Kategorya:Kontrasepsiyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Kontrasepsyon, kasingkahulugan ng pagpigil sa pag-aanak at kontrol sa panganganak, ay mga pamamaraan at mga aparato na ginagamit para maiwasan ang pagbubuntis. Pagpaplano ng pamilya ang tawag sa paghahanda at paggamit ng kontrasepsiyon. Makakatulong ang ligtas na pagtatalik, kagaya ng paggamit ng kondom, para maiwasan ang mga impeksyong naililipat sa sekswal na paraan. Ang mga pamamaraan sa pagkontrol sa panganganak ay ginagamit na, maging sa sinaunang panahon, ngunit ang pag-usbong ng mga mabisa at ligtas na paraan ay ginamit lamang sa ika dalawang pung siglo. Linilimitahan o pinagbabawalan ang paggamit ng kontrasepyon sa ibang kultura o grupo ng tao dahil itinuturing nila itong masama o hindi kanais nais. Ilan sa pinakamabisang paraan ng pagpigil sa pag-aanak ay isterilisasyon sa pamamagitan ng vasectomy sa lalaki at tubal ligation sa babae, paggamit ng mga aparato na pumipigil sa fertilization at mga kontraseptibong bagay. Ang paggamit ng spermicide at pagtanggal ng ari ng lalaki bago pa man labasan ay hindi masyadong epektibo. Hindi tulad ng ibang paraan ng kontrasepsiyon, ang isterilisasyon, kadalasan, ay hindi na naibabalik sa dati o nananatiling permanente ang lahat. Ang pagkabuntis dulot ng pagtatalik nang walang proteksyon ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kontraseptibong pang-emergency tulad ng mga pildoras. Ang pag-iwas sa sekswal na gawain ay itinuturing na isang paraan ng kontrasepsyon ngunit ang pagpapalaganap ng kaalamang sekswal na walang konsepto ng kontrasepsyon ay maaaring magdulot ng pagtaas sa bahagdan ng maagang pagbubuntis.

Mga artikulo sa kategorya na "Kontrasepsiyon"

Naglalaman lamang ng nag-iisang pahina ang kategoryang ito.