Pumunta sa nilalaman

Kateryna Pavlenko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kateryna Pavlenko
Kapanganakan10 Agosto 1988
  • (Nizhyn Raion, Chernihiv Oblast, Ukranya)
MamamayanUkranya
Trabahomang-aawit, kompositor

Si Kateryna Anatoliivna Pavlenko (Ukranyo: Катерина Анатоліївна Павленко, IPA: [kɐteˈrɪnɐ pɐu̯ˈlɛnko]; ipinanganak Agosto 10, 1988) ay isang mang-aawit na Ukranyana na isa ring kompositor at folklorista. Siya ang pangunahing bokalista ng Ukranyanong electro-folk na bandang Go_A. Si Pavlenko ay kilala rin sa kaniyang alyas na Monokate (Ukranyo: Монокейт).

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Pavlenko ay ipinanganak noong Agosto 10, 1988, sa Nizhyn, Chernihiv Oblast, Ukranya, (na sa panahong iyon ay ang Ukranyano SSR) isang lungsod sa hilagang-silangan ng kabeserang Kyiv. Ang kaniyang ina ay nagtrabaho sa isang walang-suweldong gawain sa militar na nangahulugang ang kaniyang pamilya ay mahirap, at sa isang punto, ay walang bahay.[1] Siya ay pinalilibutan ng awiting-pambayan mula sa pagkabata. Ang kaniyang lola ay isang mang-aawit at nagturo sa kaniya ng isang tradisyonal na estilo ng pagkanta na tinatawag na 'puting boses' at ang kaniyang lolo ay tumugtog ng akordiyon. Ang kaniyang ina ay kumanta rin sa isang korong-pambayan.[2]

Sa kaniyang oras sa paaralan, nag-aral siya ng pagkanta at hinimok ng kaniyang mga guro na maging isang mang-aawit sa opera, gayunpaman napagtanto niya na gusto niyang maging isang musikero ng rock. Siya ay nasa isang lokal na bandang rock bilang isang tinedyer at nagtanghal sa ilang mga konsiyerto.[3]

Nag-aral si Pavlenko sa Paaralang Nizhyn ng Kultura at Sining, nagtapos noong 2009. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pag-aaral ng kuwentong-pambayan sa Pambansang Pamantasan ng Kyiv ng Kultura at Sining, nagtapos noong 2013.[4]

Pinamunuan ni Pavlenko ang maraming folk ensemble, kabilang ang koro ng mga beterano sa Berezan, Kyiv Oblast. Siya ang nangungunang mang-aawit ng bandang Go_A, at nagsulat at naglathala ng sarili niyang musika sa ilalim ng kaniyang alyas na Monokate.[5]

Noong Hunyo 2021, si Kateryna Pavlenko ay pumasok sa 100 pinakamaimpluwensiyang kababaihan sa Ukranya ayon sa Focus magazine, na kung saan siya ang ikasampu.[6]

Si Pavlenko ay orihinal na sumali sa electro-folk na bandang Go_A bilang isang backup na mang-aawit noong 2012, ngunit siya na ngayon ang nangungunang mang-aawit. Ang kanilang unang single, "Koliada" (Ukranyo: Коляда), ay lumabas noong 2012, ngunit hindi gaanong nakilala ang banda hanggang 2015, hanggang nang ilabas nila ang "Vesnyanka" (Ukranyo: Веснянка), na numero uno sa 10Dance chart ng estasyon ng radyo ng Ukrainian Kiss FM, at nahalal na 'discovery of the year' ng parehong estasyon ng radyo.[7] Ang kanilang debut album na Idy Na Zvuk (Ukranyo: Іди на звук) ay inilabas noong 2016.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "MonoKate" Public documentary project about Go_A soloist Kateryna Pavlenko (sa wikang Ukranyo)
  2. Interview With Go_A Soloist Kateryna Pavlenko (sa wikang Ukranyo)
  3. "MonoKate" Public documentary project about Go_A soloist Kateryna Pavlenko (sa wikang Ukranyo)
  4. "MonoKate" Public documentary project about Go_A soloist Kateryna Pavlenko (sa wikang Ukranyo)
  5. MonoKate Has Released Their Debut Single (sa wikang Ukranyo)
  6. Галина Ковальчук (Hunyo 25, 2021). "В рейтингу Фокуса "ТОП-100 впливових жінок" — більше половини нових імен" (sa wikang Ukranyo). Focus magazine.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Best Track In Ukraine 2015 (sa wikang Ukranyo), inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-12-02, nakuha noong 2022-02-22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)