Katuruang Katoliko ukol sa seksuwal na moralidad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Katekismo ay may espesyal na seksyon na nakalaan sa "homosexuality" na nakapaloob sa eksplanasyon nila sa ika-anim na utos ng Diyos. Inililinaw ng Simbahan na ang pagkakaroon ng atraksyon sa kaparehong kasarian ay hindi makasalanan, habang ang pagsasagawa ng mga aktong homosekswal ay ang makasalanan. Katulad ng mga aktong heterosekswal na eksternal sa pag-aasawa, ang mga aktong homosekswal ay itinuturing din na labag sa ika-anim na utos.

Isinasaad ng Katekismo na, "nilalabag nito ang natural na batas, hindi nito kayang magbunga ng buhay, at hindi ito sumusunod sa afektiv at sekswal na relasyon ng isang lalaki at babae(complementarity)". Sa kahit anong pangyayari man, hindi ito maaaring aprubahan. Itinuturo rin ng Simbahan na "obhetibong sakit" ang pagkakaroon ng inklinasyong homosekswal at maaaring maging isang matinding pagsubok para sa taong iyon na itinuturo ng Simbahan ay dapat "tanggapin nang may respeto, pagmamahal, at pagkamapagdamdam... iwasan ang kahit anong hindi makatarungang diskriminasyon."

Ayon sa Simbahan, "tinawag para sa kalinisan" ang taong homosekswal. Pinagbibilinan silang isagawa ang mga birtud ng "pansariling karunungan" na nagtuturo ng "panloob na kalayaan" sa paggamit ng suporta ng mga kaibigan, mga dasal at grasya na matatagpuan sa mga sakramento ng Simbahan. Ninanais ng mga instrumentong ito na tulungan ang homosekswal na tao na "unti-unting maitalaga at makamit ang Kristiyanong pagkasakdal", isang estadong tawag sa lahat ng Kristiyano.



KatolisismoSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.