Teolohiyang Katoliko ng seksuwalidad
Ang teolohiyang Katoliko ng seksuwalidad, katulad ng teolohiyang Katoliko sa pangkalahatan, ay kinuha mula sa likas na batas,[1] kanonikong banal na kasulatan, dibinong pahayag, at tradisyong sagrado, na ipinakahulugan na may awtoridad ng magisteryo ng Simbahang Katoliko. Sinusuri ng seksuwal na moralidad ang pag-uugaling seksuwal ayon sa mga pamantayan na inilatag ng Katolikong teolohiyang moral, at kadalasang nagbibigay ng pangkalahatang prinsipyo kung saan maaring suriin ng mga Katoliko kung gumaganap ang partikular na mga aksyon na ito sa mga pamantayang iyon.
Tinuturo ng Simbahan ang pagtatalik sa dalawang bahagi: nagdudulot ito ng layuning pagsasama at pagpaparami.[2] Sang-ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, "ang pagmamahalan ng mag-asawa ... ay naglalayon ng malalim na personal na pagkakaisa, isang pagkakaisa na, lampas sa pag-iisa sa isang laman, na nagdudulot sa pagbuo ng isang puso at kaluluwa",[3] yayamang tanda ang buklod ng kasal ng pag-ibig sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan.[4]
Dahil naniniwala ang mga Katoliko na nakita ng Diyos na "napakabuti" ng lahat ng kanyang nilikha,[5] tinuturo ng Simbahang Katoliko na mabuti ang katawaan ng tao at pagtatalik. Nilikha ang lahat ng tao ayon sa wangis ng Diyos, at samakatuwid, mayroong mahalagang dignidad kabilang ang kanilang seksuwalidad.[6] Hindi purong pambiyolohiya lamang ang seksuwalidad; sa halip, inaalala nito ang pribadong sentro ng isang indibiduwal.[7]
Sa mga kaso na kung saan hinahanap ang ekspresyong seksuwal sa labas ng kasal, o kung saan, sadyang pinipigilan ang pagpaparami sa loob ng kasal (e.g., ang paggamit ng artipisyal na kontrasepsyon), ipinapahayag ng Simbahang Katoliko ang pag-aalala nito. Ayon sa Katesismo, labilang sa mga itinuturing na kasalanan sa kalinisang-puri ang masturbasyon, pakikiapid, pornograpiya, at kasanayang homoseksuwal.[8] Karagdagan dito, "ang pangangalunya, diborsyo, poligamya, at malayang unyon ay matinding pagkakasala laban sa dignidad ng kasal".[9]
Sa kasaysayan ng simbahan, may mga mahalagang magkaibang opinyon sa kalikasan ng kalubhaan ng iba't ibang mga kasalanang seksuwal. Gayon din sa kasalukuyang Simbahan, mayroon pa rin na malawak na mga opinyon ng mga teologo at karamihan sa mga layko sa opisyal na katuruan sa seksuwalidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 1954.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 2369.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 1643.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 1617.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Genesis 1:31
- ↑ "Love and Sexuality", USCCB
- ↑ Pontifical Council for the Family. "The Truth and meaning of human sexuality", §3, Disyembre 8, 1995
- ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 2396.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Katesismo ng Simbahang Katoliko (ika-2 (na) edisyon). Libreria Editrice Vaticana. 2019. Talata 2400.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)