Kawalang hangganan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Walang-hanggan (paglilinaw).

Ang kawalang hangganan, kawalang-wakas o awanggan,[1] tinatawag ring tawaging inpinidad o impinidad (mula sa Ingles na infinity at Kastilang infinito), ay isang diwa, partikular na sa matematika, na ang isang bagay ay walang katapusan.[2] Hindi isang bilang ang inpinidad subalit may sagisag ang mga matematiko para rito. Ang simbolo ay .[3] Hindi sinasabi ng kawalang hangganan ang diwang "gaano karami".[3]

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang paglalarawan ng kawalang hangganan ay ang pag-iisip kung hanggang saan hahantong ang kalawakan. Mayroong paraang pangmatematika kung paano mapag-uusapan ang hinggil sa kawalang hangganan. Sa pagtatala ng buong mga bilang: 1, 2, 3, at iba pa. Maitatanong kung ano ang pinakamalaking bilang na maaabot. Ang sagot dito ay walang pinakamalaking bilang na maaabot dahil laging makapagdaragdag o makapagdurugtong ng iba pang bilang at makakakuha pa ng mas malaking bilang kaysa dati. Maaari ring hatiin, o padaanin sa dibisyon, ang isang bilang, at kahit na anong liit pa nito ay maaari pa rin itong hatiin nang hatiin upang maging mas maliliit pang mga bilang.[3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.