Pumunta sa nilalaman

Kawing na kimikal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kimikal na pagdirikit)

Ang kawing kimikal (chemical bond) ay balaghang pagkakabit-kabit ng mga atomo upang makabuo ng isang maayos at mataas na sangkap gaya ng molekula o istrukturang kristal. Ang lahat ng kawing kimikal ay nangyari dahil sa pagniniig ng mga elektron ng mga atomong bumubuo rito. Karaniwan, ang mga elektrong ito ay bahagi ng inugang atomiko (IA) (atomic orbital) ng isang atomo; ngunit sa kawing ng dalawang atomo, bumubuo ito sa inugang molekular (IM) (molecular orbital). Ang pagniniig na ito ng elektron at nukleyo (pula ng atomo) ay pwersang pundamental ng elektromagnetismo. Ang mga atomo ay bumubuo ng isang kawing kung ang kanilang ikiran o inugan ay mas mababa sa enerhiya kapag sila ay nagniniig sa isa’t isa.

May limang uring ng kawing kimikal ang ating ginagamit sa pagniniig ng atomo. Ang pag-uuri dito ay itinatakda ng hugis ng ulap elektron at ng baitang ng enerhiya nila. Sa totoo, ang likas ng kawing ay hindi maliwanag na maipapangkat. Dahil rito ang isang kawing ay maitatakda ng higit pa sa isang mga katawagan.

Limang uri ng kawing kimikal:

Ang mga elektron sa IM ng isang kawing ay masasabing “lokalisado” sa ilang atomo o “delokalisado” sa dalawa o higit pang mga atomo. Ang uri ng kawing sa atomo sa molekula ay itinatakda kung gaano kakapal ang lokalisado o delokalisadong ulap ng elektron sa mga atomo ng isang sangkap.

Maraming simpleng kumpuesto (compound) ay binubuo ng kawing kobalente. Ang mga kumpuestong ito ay estrukturang magagabayan ng hinua ng kawing balensiya, at ng mga katangian ng mga atomo na kasali rito ay maiintindihan sa paggamit ng konsepto tulad ng numero ng oksidasyon. Ang mga kumpuestong bumubuo sa estrukturang ioniko ay maiintidihan naman sa paggamit ng mga hinua mula sa klasikong pisika. Alalaungbaga, ang mga kumplikadong kumpuesto tulad ng kumplehong metal (complex metals) ay di maipaliliwanag sa pamamagitan ng hinua ng kawing balensiya. Kailangan natin ng kimika kwantika (quantum chemistry) (mula sa mekanika kwantika (quantum mechanics)) upang matulungan tayong maiintidihan ang mga molekulang ito.

Sa kawing ioniko, ang mga elektron ay karaniwang lokolisado sa ilang atomo. Hindi sila lumalayo sa magkalapit ng atomo. Ang isang atomo ay binibigyan nang isang kargang elektrika (electric charge) upang matulungan tayong magkonsepto ng kalat ng inugang molekular (IM). Ang pwersa sa pagitan ng atomo (o ioniko) ay binubuo ng potensiyang isotropikong kontinuum (tuluyang) elektrostatika.

Ang kapal ng elektron sa loob ng kawing sa kawing kobalente ay di inilalagay sa isa’t isang atomo. Sa halip, delokolisado ito sa inugang molekular (IM) ng mga atomong bumubuo rito. Ang hinua ng linyar na kumbinasyon ng inugang atomiko ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa estruktura ng IM at enerhiya batay sa inugang atomiko ng mga atomo na kung saan sila nagmula. Kakaiba sa taal na kawing ioniko dahil sa ang kawing kobalente ay may itinakdang anisotropikong katangian.

Ang atomo ay makabubuo rin ng kawing maituturing na nasa pagitan ng ioniko at kobalente (mala ionikong kobalente) dahil sa ang kanilang pagtatakda ay batay sa abot ng delokalisasyon ng elektron. Ang elektron ay maaring delokalisado lang ng kauti sa pagitan ng dalawang atomo ngunit nagtatagal sa isa at hindi sa isa. Kabilan baga o may kinikilingan. Ang kawing ito ay kalimitang tinatawag na “kobalenteng polar”

Ang mga kawing kimikal na ito ay pwersang intramolekular (sa loob ng molekula) na nagbibigkis sa mga atomo sa molekula. Mayroon ding pwersang intermolekular (sa pagitan ng dalawa o higit pang molekula) na kung saan ang mga molekula ay nabibighani o namumuwi sa isa’t isa na kung saan nagbubunga naman ng interaksiyong dipolar.

Masasabi raw na ang Ang Likas ng Kawing Kimikal (The Nature of Chemical Bond) ni Linus Pauling ang pinakamaimpluwensiyang aklat sa kimika na nailathala.