Pumunta sa nilalaman

Kodi Burns

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Kodi Burns ay isang Amerikanong manlalaro ng football para sa koponan ng Auburn Tigers. Siya ay lumaki sa siyudad ng Fort Smith, Arkansas. Si Kodi Burns ay naglalaro sa koponan sa posisyon ng Quarterback. Siya ay may timbang na 190 lbs at taas na 6 ft 2 inches. Siya ay nanggaling sa eskewelahan ng Northside High School. Bilang isang high school siya ay nagpakita ng kakaibang galing bilang quarterback. Siya ay naging starter sa loob ng 3 taon sa ilalim ni coach Darrell Henry. Isa si Kodi Burns sa mga magagaling na quarterback na may ibang galing sa paggamit ng binti at braso. Siya ay mabilis at may kakayahan na gumawa ng laro sa labas ng pocket.

Sabi ni coach Darrell Henry sa isang panayam ay: "It looks like he is playing a video game out there. The game just slows down for him as it does for all the great ones. And of course he can throw the football 74 yards, and the top NFL guy just threw it 72. He's going to be a great one. He's worthy of all the hype he is going to get."

Ngaung 2007, si Kodi Burns ay sinasabi na magiging backup quarterback kay senior quarterback Brandon Cox sa koponan ng Auburn Tigers.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.