Pumunta sa nilalaman

Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan[1] (Comprehensive Agrarian Reform Program na mas kilala bilang CARP) ang batas ng repormang panglupain ng Pilipinas na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong 1988. Ito ay Republic Act No. 6657. Noong 10 Hunyo 1988, nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program Ito ang nagpapatibay ng implementasyon ng CARP. ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain. Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Ang mga may aring nagbenta ng lupain ay babayaran ng installment sa 15 taon. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang halimbawa nito ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilyang Cojuangco na kinabibilangan ni Corazon Aquino na namahagi lamang ng stock sa mga manggagawa ng Hacienda Luisita sa halip na ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita sa mga manggagawa.

  1. "Batas Republika Blg. 6657: Batas sa Komprehensibong Repormang Pansakahan ng 1988". DAR Legal Information System. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-09-21. Nakuha noong 2013-12-1. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)