Pumunta sa nilalaman

Kondado ng Luzerne, Pennsylvania

Mga koordinado: 41°11′N 75°59′W / 41.18°N 75.99°W / 41.18; -75.99
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Luzerne County
county of Pennsylvania, home rule county of Pennsylvania
Map
Mga koordinado: 41°11′N 75°59′W / 41.18°N 75.99°W / 41.18; -75.99
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonPennsylvania, Estados Unidos ng Amerika
Itinatag25 Setyembre 1786
KabiseraWilkes-Barre
Lawak
 • Kabuuan2,349 km2 (907 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1]
 • Kabuuan325,594
 • Kapal140/km2 (360/milya kuwadrado)
Websaythttp://www.luzernecounty.org

Ang Kondado ng Luzerne (Ingles: Luzerne County) ay isang kondado (county) sa estado ng Pennsylvania sa Estados Unidos. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, may kabuuang 2,350 kilometrong kuwadrado (906 milyang kuwadrado) ang lawak ng kondado, kung saang 2,300 kilometrong kuwadrado (890 milyang kuwadrado) nito ay lupa at 41 kilometrong kuwadrado (16 milyang kuwadrado) nito ay katubigan. Ito ang pangalawang pinakamalaking kondado sa Hilaga-silangang Pennsylvania ayon sa kabuuang lawak. Magmula noong senso ng 2010, ang populasyon ay 320,918 katao, kung kaya ito ang pinakamataong kondado sa hilaga-silangang bahagi ng estado. Ang punong lungsod ng kondado at ang pinakamalaking lungsod ay Wilkes-Barre.[2] Ang iba pang mga matataong pamayanan sa kondado ay mga lungsod ng Hazleton, Nanticoke at Pittston, at ang bayan (borough) ng Kingston. Nakabilang ang Kondado ng Luzerne sa Scranton–Wilkes-Barre–Hazleton Metropolitan Statistical Area, na may kabuuang populasyon ng 558,166 katao magmula noong 2015.

Noong ika-25 ng Setyembre 1786, nabuo ang Kondado ng Luzerne mula sa bahagi ng Kondado ng Northumberland. Ipinangalan ito mula kay Chevalier de la Luzerne, isang sundalong Pranses at diplomatiko noong ika-18 dantaon. Nang itinatag ito, sinakop ang Kondado ng Luzerne ang malaking bahagi ng Hilaga-silangang Pennsylvania. Mula 1810 hanggang 1878, nahati ito sa ilang mga mas-maliit na kondado. Ang mga kondado ng Bradford, Lackawanna, Susquehanna, at Wyoming ay nabuo mula sa mga bahagi ng Kondado ng Luzerne.[3][4]

Nakamit ang kondado ng pagiging prominente noong ika-19 at ika-20 na mga dantaon bilang isang masigasig na rehiyon na nagmimina ng antrasitang karbon, na nakakahikayat ng isang malaking bahagi ng puwersang paggawa nito mula sa mga imigranteng Europeo. Noong nasa tugatog ito (sa taong 1930), ang populasyon ng kondado ay 445,109. Pagsapit ng unang bahagi ng ika-21 dantaon, karamihan sa mga pabrika at minahan ng karbon ay nakasara. Katulad ng karamihan sa mga kondado sa Rust Belt, nasaksihan ng Kondado ng Luzerne ang pagbaba ng populasyon at pagtamlay o paghina sa kagandahan at lakas ng mga pook urbano.

Mapa ng Kondado ng Luzerne (kasama ang mga etiketa ng mga munisipalidad) na nagpapakita ng mga lungsod/boro o bayan (pula), mga township (puti), at mga pook na itinakda ng senso o CDP (bughaw).

Nilalaman ang Kondado ng Luzerne ng 76 mga munisipalidad, kung kaya ito ang pangalawang may pinakamaraming bilang ng mga nagsasariling namamahala na mga munisipalidad sa estado ng Pennsylvania; tangi ang Kondado ng Allegheny lamang ang may higit na bilang.[5] Sa ilalim ng batas ng Pennsylvania, may apat na mga uri ng nasaping munisipalidad sa estado: lungsod, boro, township, at sa kaso ng Bloomsburg, town. Ang mga sumusunod na lungsod, boro, at township ay matatagpuan sa Kondado ng Luzerne:

Mga bayan (borough)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ashley
  • Avoca
  • Bear Creek Village
  • Conyngham
  • Courtdale
  • Dallas
  • Dupont
  • Duryea
  • Edwardsville
  • Exeter
  • Forty Fort
  • Freeland
  • Harveys Lake
  • Hughestown
  • Jeddo
  • Kingston
  • Laflin
  • Larksville
  • Laurel Run
  • Luzerne
  • Nescopeck
  • New Columbus
  • Nuangola
  • Penn Lake Park
  • Plymouth
  • Pringle
  • Shickshinny
  • Sugar Notch
  • Swoyersville
  • Warrior Run
  • West Hazleton
  • West Pittston
  • West Wyoming
  • White Haven
  • Wyoming
  • Yatesville
  • Bear Creek Township
  • Black Creek Township
  • Buck Township
  • Butler Township
  • Conyngham Township
  • Dallas Township
  • Dennison Township
  • Dorrance Township
  • Exeter Township
  • Fairmount Township
  • Fairview Township
  • Foster Township
  • Franklin Township
  • Hanover Township
  • Hazle Township
  • Hollenback Township
  • Hunlock Township
  • Huntington Township
  • Jackson Township
  • Jenkins Township
  • Kingston Township
  • Lake Township
  • Lehman Township
  • Nescopeck Township
  • Newport Township
  • Pittston Township
  • Plains Township
  • Plymouth Township
  • Rice Township
  • Ross Township
  • Salem Township
  • Slocum Township
  • Sugarloaf Township
  • Union Township
  • Wilkes-Barre Township
  • Wright Township

Mga pook na itinakda ng senso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mg pook na itinakda ng senso (census-designated places o CDP's) ay mga heograpikong lugar na itinakda ng Kawanihan ng Senso ng Estados Unido para sa mga layunin ng pagtatala ng demograpikong datos. Hindi sila mga tunay na kinasasakupan sa ilalim ng batas ng Pennsylvania.

  • Beech Mountain Lakes
  • Browntown
  • Chase
  • East Berwick
  • Georgetown
  • Glen Lyon
  • Harleigh
  • Hickory Hills
  • Hilldale
  • Hudson
  • Huntington Mills
  • Inkerman
  • Lattimer
  • Mocanaqua
  • Mountain Top
  • Nuremberg
  • Pardeesville
  • Pikes Creek
  • Plains
  • Shavertown
  • Sheatown
  • Silkworth
  • Trucksville
  • Upper Exeter
  • Wanamie
  • West Nanticoke
  • Weston

Pagrarangko ayon sa populasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagraranko ng populasyon ng sumusunod na talahanayan ay nakabatay sa senso 2010 ng Kondado ng Luzerne.[6]

Wilkes-Barre, ang punong lungsod at pinakamalaking lungsod ng Kondado ng Luzerne.
Hazleton, ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Kondado ng Luzerne.
Nanticoke, ang pangatlong pinakamalaking lungsod ng Kondado ng Luzerne.
Kingston, ang pinakamalaking bayan (boro) ng Kondado ng Luzerne.
Plymouth, ang pangalawang pinakamalaking bayan (boro) ng Kondado ng Luzerne.

punong lungsod ng kondado

Ranggo Lungsod/Bayan (o boro)/
Township
Uri Populasyon (Senso 2010)

1 Wilkes-Barre Lungsod 41,498
2 Hazleton Lungsod 25,340
3 Kingston Boro 13,182
4 Hanover Township Township 11,076
5 Nanticoke Lungsod 10,465
6 Plains Township Township 9,961
7 Hazle Township Township 9,549
8 Butler Township Township 9,221
9 Dallas Township Township 8,994
10 Pittston Lungsod 7,739
11 Kingston Township Township 6,999
12 Plymouth Boro 5,951
13 Exeter Boro 5,652
14 Wright Township Township 5,651
15 Newport Township Township 5,374
16 Swoyersville Boro 5,062
17 Duryea Boro 4,917
18 West Pittston Boro 4,868
19 Edwardsville Boro 4,816
20 Jackson Township Township 4,646
21 West Hazleton Boro 4,594
22 Fairview Township Township 4,520
23 Larksville Boro 4,480
24 Jenkins Township Township 4,442
25 Salem Township Township 4,254
26 Forty Fort Boro 4,214
27 Sugarloaf Township Township 4,211
28 Freeland Boro 3,531
29 Lehman Township Township 3,508
30 Foster Township Township 3,467
31 Pittston Township Township 3,368
32 Rice Township Township 3,335
33 Wyoming Boro 3,073
34 Wilkes-Barre Township Township 2,967
35 Ross Township Township 2,937
36 Luzerne Boro 2,845
37 Dallas Boro 2,804
38 Harveys Lake Boro 2,791
39 Ashley Boro 2,790
40 Bear Creek Township Township 2,774
41 West Wyoming Boro 2,725
42 Dupont Boro 2,711
43 Avoca Boro 2,661
44 Hunlock Township Township 2,443
45 Exeter Township Township 2,378
46 Huntington Township Township 2,244
47 Dorrance Township Township 2,188
48 Lake Township Township 2,049
49 Union Township Township 2,042
50 Black Creek Township Township 2,016
51 Conyngham Boro 1,914
52 Plymouth Township Township 1,812
53 Franklin Township Township 1,757
54 Nescopeck Boro 1,583
55 Laflin Boro 1,487
56 Conyngham Township Township 1,453
57 Hughestown Boro 1,392
58 Fairmount Township Township 1,276
59 Hollenback Township Township 1,196
60 Nescopeck Township Township 1,155
61 Dennison Township Township 1,125
62 Slocum Township Township 1,115
63 White Haven Boro 1,097
64 Sugar Notch Boro 989
65 Pringle Boro 979
66 Shickshinny Boro 838
67 Courtdale Boro 732
68 Nuangola Boro 679
69 Yatesville Boro 607
70 Warrior Run Boro 584
71 Laurel Run Boro 500
72 Buck Township Township 435
73 Penn Lake Park Boro 308
74 Bear Creek Village Boro 257
75 New Columbus Boro 227
76 Jeddo Boro 98

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
  2. "Find a County". National Association of Counties. Nakuha noong 2011-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tice, Joyce M. "History of Bradford County PA, 1770–1878 by David Craft – Chapter 9". www.joycetice.com.
  4. "Wyoming County Historical Society". pawchs.org.
  5. "Pennsylvania Municipalities Information". Pamunicipalitiesinfo.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2022. Nakuha noong 16 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "2010 Census". Census.gov. Nakuha noong 22 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]