Kondensasyon
Ang kondensasyon (sa Ingles: condensation; arkaykong Tagalog: paghalay[1]) ay ang pagbabago ng pisikal na kalagayan ng materya mula sa anyong gas patungong anyong likido, at ito ang kabaligtaran ng pagsingaw (evaporation). Karamihan ay bumabatay sa siklo ng tubig. Maaari rin itong ipaliwanag bilang ang pagbabago sa kalagayan ng alimuom (vapor) ng tubig patungong likido kapag lumapat sa anumang bagay. Kapag ang pagbabago ay naganap mula sa anyong gas direktang patungong anyong solido, ang pagbabago ay tinatawag na deposisyon.
Ang kondensasyon ay nagsisimula sa pagbubo-buo ng mga kumpol ng atomo sa bolyum na mala-gas – tulad ng pagbuo ng patak ng ulan o niyebe sa loob ng ulap – o sa pagkakadikit ng anyong gas at likido o solidong bagay.
Ang kondensasyon ay karaniwang nagaganap kapag ang alimuom ng tubig ay napalamig at/o nasiksik sa hangganan ng saturasyon nito tuwing ang densidad pang-molekula sa anyong gas ay sumasagad sa pinakamataas. Ang kagamitan na nagpapalamig at sumisiksik sa singaw at nag-iipon ng kondensadong likido ay tinatawag na condenser. Ang sikometriya ay sumusukat ng bilang ng kahalumigmigan ng kondensasyon mula at pagsingaw papunta sa hangin sa iba't-ibang atmosperikong presyon at temperatura. Tubig ang kalalabasan ng kondensasyon ng alimuom ng tubig rito – kondensasyon ang proseso ng nasabing pagbabagong-anyo.