Pumunta sa nilalaman

Kongklabe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Konklabe)

Ang kongklabe (pagtitipong pampapa) ay isang uri ng pagpupulong o pagtitipon ng Kolehiyo ng mga Kardinal na isinasagawa upang maghalal ng isang bagong Obispo ng Roma, na nakikilala rin bilang Papa. Ang papa ay itinuturing ng mga Katoliko Romano bilang apostolikong kahalili ni San Pedro at pangmundong ulo o pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.[1] Ang kongklabe, literal na "may susi" (sa diwang "nakasusi" o "nakapinid"), ay ang mga hakbang para sa pagpili ng isang papa sa loob ng kalahati ng panahon ng pag-iral ng simbahan, at ang pinakamatandang umiiral na paraan para pumili ng pinuno ng isang institusyon.[2]

Ang isang kasaysayan ng panghihimasok, pakikialam, paghadlang, at pagpigil sa pagpili ng papa at ang kinalabasang mahabang kawalan o pagkakabakante ng puwesto sa pagitan ng mga papa, na humantong sa paghintong sandali magmula 1268 hanggang 1271 (interregnum o "pagitan ng mga pamumuno"[3]), ang nag-udyok kay Papa Gregorio X na iatas noong panahon ng Ikalawang Konsilyo ng Lyons noong 1274 na ang mga elektor o tagapaghalal na kardinal ay dapat na maikandado o nakapinid na nakahiwalay o nakatago na cum clave (Latin para "may isang susi" at hindi pinapahintulutang lumisan hanggang sa ang isang bagong Obispo ng Roma ay nahalal na.[4] Ang mga konklabe sa ngayon ay isinasagawa sa Kapilyang Sistina ng Palasyong Apostoliko.[5]

Magmula pa noong Panahong Apostoliko, ang Obispo ng Roma, katulad ng iba pang mga obispo, ay pinaipili sa pamamagitan ng pagkakasundo-sundo ng mga klerigo at karaniwang mga tao ng diyosesis.[6] Ang katawan ng mga manghahalal ay mas tiyak na nabigyan ng kahulugan nang, noong 1059, ang Kolehiyo ng mga Kardinal ay naitalaga bilang ang tanging nag-iisang katawan ng mga elektor.[7] Magmula noon ang iba pang mga detalye ng proseso ay umunlad. Noong 1970, hinanggahan o nilimitahan ni Papa Pablo VI ang mga manghahalal sa mga kardinal na hindi lalampas sa 80 mga taon ang gulang. Ang pangkasulukuyang mga hakbang (mula noong 2013) ay inilunsad ni Papa Juan Pablo II sa kaniyang konstitusyong apostoliko na Universi Dominici Gregis[5] ayon sa mga pagsususog sa pamamagitan ng mga motu proprio ni Papa Benedicto XVI na may petsang 11 Hunyo 2007 at 25 Pebrero 2013.[8] 2/3 na boto ng supermayorya ang kailangan upang mahalal ang bagong papa, na nangangailangan din ng pagtanggap mula sa taong nahalal.[9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fanning, William H. W. (1913). "Vicar of Christ" . Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. doi:10.1089/elj.2006.5.57
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  3. (...) 4. An "interregnum" is ending. The pontificate used to be known as a "reign" - hence the period between two popes being called an interregnum ("between reigns") (...), mula sa "10 things about the conclave", BBC News Magazine, 11 Marso 2013.
  4. Goyau, Georges (1913). "Second Council of Lyons (1274)" . Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 John Paul II (22 Pebrero 1996). Universi Dominici Gregis. Apostolic constitution. Lungsod Batikano: Vatican Publishing House.
  6. Baumgartner 2003, p. 4.
  7. Weber, N. A. (1913). "Pope Nicholas II" . Sa Herbermann, Charles (pat.). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Pope Issues Conclave Motu Proprio" Naka-arkibo 2017-12-13 sa Wayback Machine. National Catholic Register. 25 Pebrero 2013.
  9. Benedict XVI (11 Hunyo 2007). De aliquibus mutationibus in normis de electione Romani Pontificis (nasa Latin). Motu proprio. Lungsod Batikano: Vatican Publishing House.
  10. "Pope alters voting for successor". BBC News. 26 Hunyo 2007.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]