Pumunta sa nilalaman

Kongkreto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Konkreto)

Ang kongkreto[1], konkreto[1], o kungkreto[2] ay isang materyales sa pagtatayo na binubuo ng semento pati na rin ang iba pang mga mala-sementong mga materyales tulad ng lumipad na abo at mag-abo semento, pinagsasama-sama (karaniwan isang magaspang pinagsasama-sama tulad ng bato, apog, o ganayt, kasama ang isang pinong pinagsasama-sama tulad ng buhangin), tubig, at pang-kimikang paghahalo. Mula sa Latin na salitang "concretus" ang kongkreto, na nangangahulugang "pinatigas" o "matigas".

Matatagpuan ang mga palapag na kongkreto sa palasyong makahari ng Tiryns, Gresya, na pinepetsahan ng mga 1400 hanggang 1200 BC.[3][4] Ginamit ang mga pandidik ng apog sa Gresya, tulad ng sa Kreta at Tsipre, noong 800 BC. Ginawa ang Asiryong Akuweduktong Jerwan gamit ang kongkretong hindi tinatablan ng tubig.[5] Kongkreto ang gamit para sa konstruksyon ng maraming sinaunang istraktura.[6]

Ang kongkretong Maya sa mga guho ng Uxmal (850–925 A.D.) ay binanggit sa Incidents of Travel in the Yucatán ni John L. Stephens. "The roof is flat and had been covered with cement". (Ang bubong ay patag at natatakpan ng semento.)

Ang kongkreto ay isang artipisyal na materyal na komposito, na binubuo ng molde ng pambigkis na semento (tipikal na sementong Portland o aspalto) at isang watak-watak na yugto o "pampuno" ng pinagsama (tipikal na mabatong materyal, maliliit na bato, at buhangin). "Dumidikit" ang pambigkis sa pampuno upang buuin ang isang sintetikong kalipunan.[7] Mayroong maraming uri ng kongkreto, na tinutukoy sa pamamagitan ng mga pormulasyon ng mga pambigkis at ang uri ng pinagsama na ginamit upang umangkop ang aplikasyon ng materyal na ininhinyero. Ang mga ito ay ang nagtutukoy ng tibay at densidad, gayon din ang lakas nitong kimikal at termal ng produktong natapos.

Mga alternatibong uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kongkretong aspalto (tinatawag karaniwan bilang aspalto o asphalt,[8] blacktop, or pavement sa Hilagang Amerika, at tarmac, bitumen macadam, or rolled asphalt sa Reyno Unido at ang Republika ng Irlanda) ay isang materyal na komposito na karaniwang ginagamit sa ibabaw ng mga kalsada o daan, paradahan, paliparan, gayon din sa pilapil ng mga dike.[9] Ginagamit ang mga halong aspalto sa mga konstruksyon ng palitada simula pa noong simula ng ika-20 dantaon.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Kongkreto, konkreto". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Concrete, kungkreto - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Heinrich Schliemann; Wilhelm Dörpfeld; Felix Adler (1885). Tiryns: The Prehistoric Palace of the Kings of Tiryns, the Results of the Latest Excavations (sa wikang Ingles). New York: Charles Scribner's Sons. pp. 190, 203–204, 215.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sparavigna, Amelia Carolina (2011). "Ancient concrete works" (sa wikang Ingles). arXiv:1110.5230 [physics.pop-ph].{{cite arXiv}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Jacobsen T and Lloyd S, (1935) "Sennacherib's Aqueduct at Jerwan," Oriental Institute Publications 24, Chicago University Press (sa Ingles)
  6. Stella L. Marusin (1 Enero 1996). "Ancient Concrete Structures". Concrete International (sa wikang Ingles). 18 (1): 56–58.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Concrete: Scientific Principles". matse1.matse.illinois.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2011. p. 106. ISBN 978-0547041018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Asphalt concrete cores for embankment dams" (sa wikang Ingles). International Water Power and Dam Construction. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2012. Nakuha noong 3 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Polaczyk, Pawel; Huang, Baoshan; Shu, Xiang; Gong, Hongren (Setyembre 2019). "Investigation into Locking Point of Asphalt Mixtures Utilizing Superpave and Marshall Compactors". Journal of Materials in Civil Engineering (sa wikang Ingles). 31 (9): 04019188. doi:10.1061/(ASCE)MT.1943-5533.0002839. S2CID 197635732.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)