Pumunta sa nilalaman

Krishnah Gravidez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Krishnah Marie Gravidez
Si Gravidez noong 2026
Kapanganakan (2000-10-11) 11 Oktubre 2000 (26 taong gulang)
Santiago, Ilocos Sur, Philippines
Beauty pageant titleholder
TitleMiss Baguio 2022
Major
competition(s)

Si Krishnah Marie Estacio Gravidez (ipinanganak noong 11 Oktubre 2000) ay isang Filipino beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss World Philippines 2024, Kinatawan ni Gravidez ang Pilipinas sa Miss World 2024, kung saan nagtapos siya bilang isang pinalista sa Top 8, at hinirang bilang Miss World Asia.[1]

Dating kinatawan ni Gravidez ang Baguio sa Miss Universe Philippines 2023. Nagtapos siya bilang pinalista, at itinalaga siya bilang kinatawan ng bansa sa Miss Charm 2024 pageant bago umatras sa kompetisyon pagkatapos ng mahigit isang taon ng kaniyang pagluklok.

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Gravidez noong 11 Oktubre 2000, sa Santiago, Ilocos Sur. Ang kaniyang pangalan na Krishnah ay ibinagay ng kaniyang ama sa kaniya, na hango sa "Kristo" (Hesukristo) at "Noah" (Arko ni Noe).

Nag-aral siya ng industrial engineering sa Saint Louis University sa Baguio bago nagtapos ng degree sa civil engineering sa University of Northern Philippines sa Vigan. Sa isang panayam sa variety show na Wowowin noong 2019, sinabi ni Gravidez na ginagamit niya ang mga cash incentives na kinikita niya mula sa paglahok sa mga pageant para tustusan ang kanyang pag-aaral. [2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Abad, Ysa (19 Hulyo 2024). "Baguio's Krishnah Marie Gravidez is Miss World Philippines 2024". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hulyo 2024.
  2. ↑ "10 things to know about Miss Charm Philippines 2024 Krishnah Marie Gravidez". PEP.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-06-10. Nakuha noong 2023-07-02.