Kristiyanismong Calcedonio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Kristiyanismong Calcedonio ay binubuo ng mga simbahan na tumanggap sa depinisyong ibinigay ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE hinggil sa kalikasan ni Hesus. Ito ay salungat sa Kristiyanismong hindi-Calcedonio na mga simbahang Ortodoksiyang Oriental na tumatakwil at hindi kumikilala sa Konseho ng Chalcedon ngunit kumikilala sa unang tatlong mga konsehong ekumenikal. Inalalarawan sa kredong Chalcedonian ng Konseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang mga kalikasan(physis) sa isang persona at isang hypostasis. Sa kabilang dako, ang mga hindi-Calcedonio ay naniniwalang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus ay nagkakaisa sa isang kalikasan(physis) na hindi mahihiwalay. Bagaman ang karamihan ng mga kasalukuyang denominasyong Kristiyano ay Calcedonio, ang pag-akyat ng kristolohiyang Calcedonio ay hindi palaging tiyak noong ika-5 hanggang ika-8 siglo CE. Ang mga alitang dogmatiko sa synod na ito ay humantong sa paghahating Calcedonio at sa pagkakabuo ng mga simbahang hindi-Calcedonio na kilala bilang Ortodoksiyang Oriental. Ang mga simbahang Calcedonio ang mga simbahang nanatiling nakikipagkaisa sa Constantinople, Roma at sa tatlong mga patriarkadang Griyegong Ortodokso ng Silangan(Alehandriya, Antioquia at Herusalem) na sa ilalim ni Justiniano II sa konseho ng Trullo ay inorganisa sa ilalim ng isang anyo ng pamumuno na nakilala bilang pentarkiya. Ang karamihan ng mga Kristiyanong Armeniano, Syriano, Koptiko, Etipeo ay tumatakwil sa depinisyong Calcedonio at ngayong tinatawag na mga simbahang Ortodoksong Oriental. Gayunpaman, ang ilang mga kristiyanong Armeniano ay tumanggap sa mga pasya ng konseho ng Chalcedon at lumahok sa mga polemiko laban sa Simbahang Apostolikong Armeniano. Ang mga simbahan ng tradisyong Syriano sa mga simbahang Silangang Katoliko ay mga Calcedonio rin. Gayunpaman, ang mga Georgiano ay mga Silangang Ortodokso at tumanggap sa dogmang ito.