Pumunta sa nilalaman

Krus (sagisag)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Krus (tabla))
Krus.

Ang krus [1] o kurus ay isang bagay na hugis "" (maliit na T na walang buntot), karaniwang yari (ngunit hindi lamang) sa dalawang tabla ng kahoy. Namatay si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.[2] Ang krusipiho,[3] ay isang bagay na matatagpuan sa mga dalanginan o altar, at naiiba sa krus sapagkát may imahen ng Kristong nakapako na nakalagay dito.

Bagaman may salitang krusan, mas angkop ang krusan sa paggawa o paglalagay ng hugis na ekis o "X", na natatawag ding krus.[3]

Tanda ng Krus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kaugnay ng krus ang pag-aantanda, pagkukrus, o pagsasangalan ng ama. Nagmula ang antanda ("ang tanda") mula sa katagang ang tanda ng Santa Krus, isáng panalanging Katólikong binibigkás bilang pambungad at pangwakás ng mga panalangin.

Teksto at kilos ng dasal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa Ngalan ng Ama (idampì ang mga dalirì ng kanang kamáy sa noó)
At ng Anak (idampì ang mga dalirì sa dibdíb)
At ng Espíritu (idampì ang dalirì sa kaliwáng balikat) Santo (idampì ang dalirì sa kanang balikat)
Amen. (kaugalián ng iba ang halikán ang mga daliring pinang-Antanda, o idampì sa babà ang mga ito.)
  1. Blake, Matthew (2008). "Krus". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Cross". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 English, Leo James (1977). "Krus, kurus, krusipiho, magkrus, mag-antanda, magsangalan ng ama, atbp". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.