Krusada ng mga Bata
Ang Krusada ng mga Bata (Ingles: Children's Crusade) ang pangalang ibinigay sa Krusada ng mga Europeong Katoliko upang patalsikin ang mga Muslim sa banal na Lupain at sinasabing nangyari noong 1212. Ang tradisyonal na salaysay nito ay malamang isinama sa isang makatotohanang at mga mitikal na nosyon sa panahong ito kabilang ang mga pangitan ng isang batang Pranses o Aleman, ang layunin na mapayapang akayin ang mga Muslim sa Banal na Lupain sa Kristiyanismo, mga pangkat ng batang nagmamartsa sa Italya at mga batang ipinagbili sa pang-aalipin. Ang isang pag-aaral noong 1977 ay nagduda sa pag-iral ng mga pangyayaring ito at maraming mga historyan ay naniniwala na ang mga ito ay hindi mga bata kundi mga "gumagalang mahihirap" sa Alemanya at Pransiya na ang ilan ay nagtangkang makarating sa Banal na Lupain at ang iba ay hindi nilayon na gawin ito.
Mga bersiyon ng pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tradisyonal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga bersiyon ng isang kuwento ng krusada ng mga bata ay may parehong mga tema.[1] Ang isang batang lalake ay nagsimulang mangaral sa Pransiya o Alemanya na nang-aangkin na siya ay binisita ni Hesus at sinabihan na mamuno sa isang Krusada upang mapayapang akayin ang mga Muslim sa Kristiyanismo. Sa pamamagitan ng isang sunod sunod na mga babala at milagro, ito ay nagkamit ng malaking mga tagasunod kabilang ang posibleng 30,000 mga bata. Kanyang pinamunuan ang kanyang mga tagasunod sa dagat Mediterraneo sa paniniwalang ang dagat ay mahahati sa kanilang pagdating na papayag sa kanila na magmartsa sa Herusalem. Gayunpaman, ito ay hindi nangyari. Ang dalawang mga mangangalakal ay nagbigay ng libreng paglalakbay sa mga bangka sa mga bata ngunit ang mga ito ay aktuwal na dinala sa Tunisia at ipinagbili bilang mga alipin o namatay sa pagkasira ng bangka sa isang bagyo. Ang ilan ay nabigong maabot ang dagat, namatay o sumuko mula sa kagutuman at pagod.
Moderno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa mas kamakailang pagsasaliksik, tila mayroong aktuwal na dalawang mga kilusan ng mga tao (ng lahat ng mga edad) noong 1212 sa Alemanya at Pransiya.[1][2] Ang mga pagkakatulad ng dalawa ay pumayag sa kalaunang mga kronika na magsama at palamutian ang mga kuwento. Sa unang kilusan, si Nicholas ay isang pastol mula sa Rhineland, Alemanya[3] na nag-aangkin ng isang ekstraordinaryong kapangyarihan ng pananalumpati. Nagtangka siyang pamunuan ang isang pangkat sa Alps at tungo sa Italya sa simulang tagsibol ng 1212. Ipinangako ni Nicholas na ang dagat ay matutuyo sa harap ng mga ito at papayag sa kanila na makatawid sa Banal na Lupain. Sa halip na labanan ang mga Saracen, kanyang isinaad na ang mga kahariang Muslim ay matatalo nang ang mga mamamayan nito ay maakay sa Kristiyanismo.[3] Ang kanyang mga tagasunod ay nangaral na tumatawag sa Krusada sa buong mga lupaing Aleman at sila ay nagmasa sa Cologne pagkatapos ng ilang mga linggo. Ito ay nahati sa dalawang mga pangkat at naglakbay sa magkibang mga lansangan tungo sa Switzerland. Ang dalawa sa tatlong katao sa paglalakbayay namatay samantalang ang iba ay umuwi sa kanilang mga tahanan.[3] Ang mga 7,000 ay nakarating sa Genoa sa huli ng Agosto. Agad silang nagmartsa sa baybayin na umaasang ang dagat ay mahahati sa harapan nila. Nang ito ay hindi nangyari, marami ang nasiphayo. Ang ilan ay nag-akusa kay Nicholas ng pagtatraydor samantalang ang iba ay naghintay na baguhin ng diyos ang isipan nito dahil naniniwala sila na hindi nito gagawin ito. Ang mga autoridad ng Genoa ay humanga sa mga munting pangkat at nag-alok ng pagkamamayanan sa mga nagnanais na tumira sa kanilang siyudad. Sinunggaban ng karamihan ng mga nagkrusada ang pagkakataong ito.[3] Tumanggi si Nicholas na aminin ang pagkatalo at naglakbay sa Pisa at ang kanyang kilusang ay patuloy na nagkahati sa paglalakbay. Siya at ilan sa kanyang mga tagasunod ay nagpatuloy sa mga estado ng papa kung saan sila tinrato ni Inosente III ng mabuti. Ang mga natitira ay umuwi sa Alemanya pagkatapos sabihin ng papa na maging mabuti at umuwi. Si Nicholas ay hindi nagtagumpay sa ikalawang pagtatangka sa Alps. Sa kanyang tahanan sa Alemanya, ang kanyang ama ay hinuli at binigti sa pagpipilit ng mga galit na pamilya ng mga kamag-anak na napahamak.[3]
Ang ilang mga pinakamasigasig na mga kasapi ng krusadang ito ay kalaunang iniulat na gumala sa Ancona at Brindisi. Wala sa mga ito ang nakarating sa Banal na Lupain.[3]
Ang ikalawang kilusan ay pinamunuan ng isang 12 taon na pastol na Pranses na si Stephan ng Cloyes.[3] Siya ay nag-angkin noong Hunyo na may dala siyang isang liham mula kay Hesus. Ang mga malalaking gang ng kabatahan na kasing edad niya ay naakit sa kanya na ang karamihan ay nag-aangkin ng mga espesyal na kaloob ng diyos at inakala ang kanilang mga sarili na gumagawa ng mga milagro. Sa pag-akit ng higit sa 30,000 matatanda at bata, siya ay tumungo sa Saint-Denis kung saan sinasabing nakitaan siya ng mga milagro. Sa mga kautusan ni Philip II ng Pransiya na pinayuhan ng Unibersidad ng Paris, ang mga tao ay hinimok na umuwi. Mismong si Philip ay hindi humanga lalo na dahil ang kanyang hindi inaasahang mga panauhin ay pinamumunuan lamang ng isang bata at tumanggi na seryosohin ang mga ito. Gayunpaman, si Stephan ay hindi napigilan at nagsimulang mangaral sa isang kalapit na abbey. Mula Saint-Denis, si Stephan ay naglakbay sa buong Pransiya na pinapalaganap ang kanyang mensahe. Bagaman ang simbahang Katoliko ay skeptikal, maraming mga matatanda ay humanga sa kanyang katuruan.[3] Tinatayang may kaunti sa kalahati ng simulang 30,000 tagasunod ni Stephan ang natitira at mabilis na paunti ng paunti. Sa wakas ng Hunyo 1212, pinamunuan ni Stephan ang kanyang mga karamihang batang nagkrusada sa Vendôme tungo sa Marseilles. Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng panlilimos ng pagkain samantalang ang iba ay tila napanghinaan ng loob sa kaharipan ng paglalakbay at umuwi sa kanilang mga pamilya .[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Russell, Oswald, "Children's Crusade", Dictionary of the Middle Ages, 1989
- ↑ Raedts, P (1977). "The Children's Crusade of 1213". Journal of Medieval History. 3.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Bridge, Antony. The Crusades. London: Granada Publishing, 1980. ISBN 0-531-09872-9