Pumunta sa nilalaman

Krushari

Mga koordinado: 43°49′N 27°45′E / 43.817°N 27.750°E / 43.817; 27.750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Krushari

Крушари
Krushari is located in Bulgaria
Krushari
Krushari
Kinaroroonan ng Krushari
Mga koordinado: 43°49′N 27°45′E / 43.817°N 27.750°E / 43.817; 27.750
Bansa Bulgaria
Lalawigan
(Oblast)
Dobrich
Pamahalaan
 • Punong-bayanDobri Stefanov
Taas
208 m (682 tal)
Populasyon
 (2009)[1]
 • Kabuuan1,592
Sona ng orasUTC+2 (OSE)
 • Tag-init (DST)UTC+3 (OTSE)
Hudyat Pangkoreo
9410
Kodigo ng lugar05771

Ang Krushari (Bulgaro: Крушари, pagbigkas ay Padron:IPA-bg), ay isang pamayanan sa hilagang-silangan ng Bulgarya, na bahagi ng Lalawigan ng Dobrich. Ito ang punong-pangasiwaan ng Bayan ng Krushari, na matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng lalawigan. Ang Krushari ay may layong 32 kilometro mula sa punong-bayan ng lalawigan ng Dobrich, 85 kilometro mula Barna at humigit-kumulang 70 kilometro mula Balchik at Silistra.

Ang sinaunang katawagan sa pamayanan ay Armutlii (o kaya Armutli, Armutlu, Armutlia), na nag-uugat sa wikang Turkong Otoman at kahalintulad din ng kahulugan sa kasalukuyang Bulgarong ngalan nito: "mga magsasaka ng peras" o "mga mangangalakal ng peras". Ang makabagong katawagan ay unang ginamit noon 1942, makalipas maibalik sa Bulgarya ang Katimugang Dobruha matapos ang pamumunong Romanyano mula noong Kasunduan sa Bukarest noong 1913 hanggang sa Kasunduan sa Craiova noong 1940.


43°49′N 27°45′E / 43.817°N 27.750°E / 43.817; 27.750