Kumander Liwayway
Si Remedios Guinto Gomez–Paraiso (12 Hulyo 1918 – 15 Mayo 2014) higit na kilalá bílang Kumander Liwayway, ay isang pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at tagapagsulong ng karapatang ng kababaihan.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang noong 12 Hulyo 1918 sa Barrio Anao sa bayan ng Mexico, Pampanga sa Pilipinas. Ang kaniyang ina ay si Maximiana Guinto habang ang kaniyang ama ay si Basilio Gomez na bise alkalde ng naturang bayan.[1] Sa kaniyang kadalagahan, nahilig si Remedios sa pananahi ng damit at mga pabango, at malimit na lumahok sa mga patimpalak sa pagandahan.[2] Lahat nang ito'y nagbago nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at salakayin ng Hapon ang Pilipinas.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang sumalakay ang puwersang Hapon sa kanilang bayan ng Mexico noong 1942, tumanggi ang kaniyang ama na makipagtulungan sa mga ito, na naging dahilan upang siya'y dakpin, tortyurin, at iparada sa bayan upang maging babala sa lahat. Kalaunan ay pinatay ang kaniyang ama, at hindi pinayagang ibalik ang mga labi nito sa kaniyang pamilya.
Naging ugat ito ng masidhing galit ni Remedios, na ninais ipaghiganti ang sinapit ng kaniyang ama.
Talasanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nemenzo, Ana Maria (2021-03-31). "Kumander Liwayway: A Feminine Warrior". Positively Filipino | Online Magazine for Filipinos in the Diaspora (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-07-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stilwell, Blake (2023-02-28). "How a Beauty Queen Turned Guerrilla Avenged Her Father's Death in World War II". Military.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-07-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)