Pumunta sa nilalaman

Imperensiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kuro-kuro)

Sa pangkalahatan, ang imperensiya ay ang mga konklusyon ng tao sa isang pangyayari o obserbasyon. Tinatawag din itong pagkakilala, hinuha, paghango, paghulo, o pagkuro. Ang imperensiya ay ang kilos o proseso ng paghango ng mga konklusyong panglohika magmula sa mga saligan na nalalaman o ipinapalagay bilang totoo.[1] Ang konklusyong nailabas ay tinatawag na idyomatiko. Ang mga panuntunan ng katanggap-tanggap na imperensiya ay pinag-aaralan sa larangan ng lohika. Ang imperensiyang pantao (iyong kung paano nakagagawa ng mga konklusyon ang mga tao) ay nakaugaliang pinag-aaralan sa loob ng sikolohiyang pampagtalos; ang mga mananaliksik sa intelihensiyang artipisyal ay nakapagpaunlad ng awtomadong mga sistemang pang-imperensiya upang magaya ang imperensiyang pantao. Ang imperensiyang pang-estadistika ay nagpapahintulot ng imperensiya mula sa datong kuwantitatibo.

Kahulugan ng imperensiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang proseso kung saan nahahango ang isang konklusyon magmula sa maramihang mga pagmamasid ay tinatawag na pangangatwirang induktibo. Ang konklusyon ay maaaring tama o mali, o tama hanggang sa loob ng isang partikular na antas ng katumpakan, o tama sa loob ng ilang partikular na mga kalagayan. Ang mga konklusyon na nahango magmula sa maramihang mga obserbasyon ay maaaring subukin sa pamamagitan ng karagdaga pang mga pag-oobserba.

Ang kahulugang ito ay mapagtatalunan (dahil sa kawalan nito ng kalinawan. Ayon sa sangguniang Oxford English Dictionary: "induction ... 3. Logic the inference of a general law from particular instances.) Kung sa gayon, ang ibinigay na kahulugan ay mailalapat lamang kapag ang "konklusyon" ay panglahatan:

1. Ang konklusyon ay naabot ayon sa ebidensiya at katwiran. 2. Ang proseso ng pag-abot sa ganiyang konklusyon: "kaayusan, kalusugan, at sa pamamagitan ng paghango ay kalinisan".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. inference, thefreedictionary.com