Pumunta sa nilalaman

Konklusyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa Pilosopiya, ang katapusang pangungusap (conclusion) sa isang silogismo ay ang kaalaman, na maituturing na tama o mali, batay sa ugnayan ng pangunahing palagay (major premise) at nakapailalim na palagay (minor premise). Taglay nito ang pangunahing paksa (major term) at nakapailalim na paksa (minor term). Wala itong panggitnang paksa (middle term).

1: Ang lahat ng estudyante ay may dalang bag.
2: Ang lolo ko ay isang estudyante.
3: Kaya naman, ang lolo ko ay may dalang bag.

Sa bilang 3, matatagpuan natin ang "katapusang pangungusap." Makikita rito ang "pangunahing paksa" (may dalang bag) at "nakapailalim na paksa" (ang lolo ko). Sa mga bilang 1 at 2 lamang matatagpuan ang "panggitnang paksa" (estudyante), na bahagi ng pangunahin at nakapailalim na palagay.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.