Pumunta sa nilalaman

Minatamis (prutas)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kusilba (pagkain))
Minatamis na aprikot

Ang mga minatamis, tinatawag ding matamis, kusilba, o kinusilba (Ingles: jam, fruit preserve) ay mga paghahanda ng pagkain, gulay, at asukal, na kadalasang tininggal (iyong inilata o tinakpan na mahigpit para sa pangmatagalang pag-iimbak. Ang paghahanda ng mga minatamis sa ngayon ay kadalasang kinasasangkutan ng pagdaragdag ng kumersiyal o likas na pektin bilang sustansiyang dyel, bagaman maaari ring gamitin ang asukal o pulut-pukyutan. Bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga resipi ng minatamis ay hindi kinabibilangan ng pektin, at maraming mga minatamis na ginagawa ng mga artisano (iyong sanay sa paggawa ng minatamis) sa kasalukuyan ay hindi ginagamitan ng pektin. Ang mga sangkap na ginagamit at kung paano sila inihahanda ay naaayon sa uri ng mga minatamis: ang mga halaya, helatina, at mga marmelada ay mga halimbawa ng iba't ibang estilo ng minatamis na nagkakaiba-iba ayon sa mga sangkap na ginagamit.

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.