Pumunta sa nilalaman

La Défense

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa La Defense)
Tanawin ng distrito ng La Défense sa Paris.

Ang distrito ng La Défense (tinatayang bigkas: la-DI-fongs;[1] Pranses ng "Ang Pagtatanggol") ay isang pangunahing distritong pangkalakalan sa mataong bahagi ng kalakhang Paris, na may populasyong 20,000.[2] Ito ang pinakakanluraning bahagi ng 10 km-kahaba na tinatawag na Makasaysayang Aksis[3] ng Paris, na nagsisimula sa museo ng Louvre at dumadaan sa Arc de Triomphe sa pamamagitan ng abenida ng Champs-Élysées bago nagtatapos sa La Défense.

Kabilang sa mga gusali rito ay ang bantog na Grande Arche de la Fraternité, o mas kilala bilang Arko ng La Défense.

Pinagsasama ng Paris La Défense ang kumpol Pôle universitaire Léonard-de-Vinci at 5 mga paaralan ng negosyo: EDC Paris Business School, ESSEC Business School, ICN Business School, IÉSEG School of Management at SKEMA Business School[4]. Ito rin ay tahanan ng European School of Paris-La Défense, isang pang-internasyonal na pangunahin at sekundaryong paaralan na kinikilala bilang isang European School noong 2020.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://translate.google.com/#en%7Cfr%7CThe%20Defense
  2. Fallon, Steve; Annabel Hart (2006). Paris. Footscray, Victoria: Lonely Planet. p. 155.
  3. http://www.frenchmoments.com/Paris_Louvre_Tuileries_files/Paris%20Historical%20Axis%20by%20French%20Moments.jpg[patay na link]
  4. "ÉTUDIER" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-01-18. Nakuha noong 2020-08-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.