Lag la’Omer
Ang Lag la’Omer (Ebreo: ל״ג בעומר, "Ikatatlumpu't tatlo ng Omer") ay isang banal na araw sa Hudaismo na ipinagdidiriwang sa ikatatlumpu't tatlong araw ng pagbilang ng Omer, na tumatapat sa ika-18 ng Iyyar.
Nagmula ang banal na araw na ito sa panahon ng rabinong si Akiva ben Yosef. Ayon sa Talmud 24,000 sa mga mag-aaral ni Akiva ang namatay sanhi ng isang salot na ipinadala ng Banal.[1] Ipinagpatuloy ng Talmud na kaparusahan ito sa kawalan ng galang ng mga mag-aaral sa isa't isa na naaayon sa kanilang antas. Ipinagdidiriwang ng mga Hudyo ang ikatatlumpu't tatlo ng Omer bilang tradisyonal na araw kung kailan natapos ang salot na ito.[2]
Isa pang pananaw ay ang napatay ang mga mag-aaral na ito sa Himagsikan ni Bar Kokhva (kung saan isang pangunahing tauhan si Akiva), at ang sinasabing "salot" ay ang pananakop ng mga Romano. Bilang pagsensura sa sarili, ipinalagay ng mga may-akda ng Talmud ang kanilang kamatayan sa kawalan ng galang sa isa't isa, sa takot na matanaw ang pagpapalagay ng kanilang kamatayan sa pagtutol sa Imperyong Romano bilang kataksilan. Sa ganitong konteksto, nagiging makatuwiran ang pagsisiga sa gabi sapagkat noong sinaunang panahon ginagamit bilang mga tanda ng digmaan ang mga siga.[3][4] Naging tanda rin ang ikatatlumpu't tatlo ng Omer ng pansamantalang pagtagumpay ng Himagsikan sa mga Romano,[5] binibigyang-diin ang pagpunyagi ng mga Hudyo upang makamit ang kalayaan mula sa mga maniniil. Ipinapakita ito sa mga larong pana.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Yevamot 62b
- ↑ Kitsur Shulẖan Arukh, 120:1-10
- ↑ "Beacons: Means of Communication and Celebration". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-18. Nakuha noong 2008-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Tragic History of the "Omer" Season, Eliezer Segal
- ↑ "Israel Ministry of Tourism". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-31. Nakuha noong 2008-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)