Lansangang Allenby (Tel Aviv-Yafo)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
רחוב אלנבי בבוקר ערפילי - מבט מהאוויר.jpg

Ang Lansangang Allenby (Ebreo: רחוב אלנבי, Reẖov Alenbi; Inggles: Allenby Street) ang isa sa mga pangunahing lansangan ng Tel Aviv-Yafo. Ipinangalan ito kay Lord Edmund Allenby.

Nagmumula ang Lansangang Allenby mula sa Dagat Mediterranean sa kanluran at nagtatapos sa Lansangang ha‘Aliyya sa silangan. May higit-kumulang 22 lansangan ang sumasalikop sa Lansangang Allenby. Karaniwang tumatagal ng 45 minuto ang paglakad ng buong kahabaan nito.

Kilala ang Lansangang Allenby sa sari’t sari nitong mga butik, tindahan ng aklat, kainan, at café. Dinarayo rin ang lansangan sa masigla nitong nightlife; hanay-hanay rito ang mga pub at bar.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.