Pumunta sa nilalaman

Lawiswis Kawayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Album kung saan nalathala ang Lawiswis Kawayan sa wikang Tagalog


Ang awiting Lawiswis Kawayan ay unang inawit sa Tagalog ni Rosita Sta. Fe at isinaplaka ng Mico Records. Ang pambayang awiting ito (folk song) ay nagmula sa Kabisayaan at naging tanyag sa Samar at Leyte.

Ang tinutukoy na "Lawiswis Kawayan" ay ang tunog na nagmumula sa mga dahon ng kawayan kapag itoy nahahanginan. Inawit din ito sa Tagalog ni Sylvia La Torre noong 1955 mula sa album na Sa Kabukiran ng Mareco Records. Inawit rin ito ni Armida Siguion-Reyna noong 1972

Tinugtog naman ni Juan Silos Jr and his Rondalla ang musika ng Lawiswis Kawayan noong dekada 60s sa ilalim ng album na Philippine Folk dances Vol. IX sa ilalim ng Villar Records

Gayun din naman isinaplaka ito ni Nitoy Gonzales at ng kanyang Rondalya noong dekada 60s sa ilalim ng Mico Records at muling inilathala sa CD ng D Concorde Records sa kasalukuyang panahon.


LAWISWIS KAWAYAN
(Orihinal na Titik sa Wikang Waray-waray) Ako magtatanom lawiswis kawayan
Akon la kan pikoy palataylatayan
Salbahi nga pikoy ka-waray batasan
Sinmulod ha kwarto, kan inday higdaan.

An panyo, an panyo nga may sigarilyo,
Ginpiksi ni Inday kay may sentimiento
An nasisinahan, an nabi-, an nabibidu-an
Tungod la han gugma nga waray katuman.

An ine nga hugpo lawiswis kawayan
Diin an higugma nga may rayandayan
Magburugto gayud mga gin-angayan
Maglipay ngatanan mga kasangkayan.

An ine nga pikoy nga pikoy paglupad murayaw
Natungtong han sanga dagos paparayaw
Binuklad an pako, an pako daw hilaw nga dahon
An iya pagrayhak nga ak ginkinantahan.

Hi Mano Palabio mahal magbaligya
Adobo, sitsaron, upod an mantika
Ginpadisan hin luyat nga tarong
Hi Mano Palabio mahal la gihapon.
 


 

LAWISWIS KAWAYAN
Saling Tagalog sa pag-awit ni Rosita Sta. Fe
kasama ang Nitoy Gonzales Rondalla

Sabi ng binata halina O hirang
Tayo ay magpasyal lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Mga puso natin ay nagmamahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa raw kay Inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika ikaw pala ay ganyan
Akala ko'y tapat ang iyong pagmamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmamaka-awang humingi ng patawad.


LAWISWIS KAWAYAN
saling Tagalog sa pag-awit ng Mabuhay Singers
kasama ang Leopoldo Silos Rondalla

Sabi ng binata halina O hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika ikaw pala'y ganyan
Akala ko'y tapat at ako'y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.