Marcel Lefebvre
Si Marcel François Marie Joseph Lefebvre (29 Nobyembre 1905 – 25 Marso 1991) ay isang Pranses na arsobispong ng Simbahang Katoliko Romano. Kasunod ng karera bilang isang Delegadong Apostoliko para sa Kanlurang Aprika at bilang Superyor Heneral ng Mga Pari ng Banal na Espiritu, pinangunahan niya ang pagsalungat sa mga pagbabago sa loob ng Simbahan na mayroong kaugnayan sa Ikalawang Konseho ng Batikano.
Noong 1970, itinatag ni Lefebvre ang Samahan ni San Pio X (SSPX). Noong 1988, labag sa hayagang pagbabawal ni Papa Juan Pablo II na ipinaisailalim niya sa konsekrasyon ang apat na mga obispo upang maipagpatuloy ang kaniyang gawain sa piling ng SSPX. Kaagad na ipinahayag ng Banal na Sede na siya at ang iba pang mga obispong nakilahok sa seremonya na kusang napatawan ng eksomunikasyon sa ilalim ng Katolikong batas na kanon.[1] Noong 2009, sa kahilingan ng apat na nabubuhay pang mga obispong nasangkot sa tinaguriang iskismong Lefebvrista[2], tinanggal ni Papa Benedicto XVI ang ekskomunikasyon nila.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Code of Canon Law 1983, Canon 1382: A bishop who consecrates some one a bishop without a pontifical mandate and the person who receives the consecration from him incur a latae sententiae excommunication reserved to the Apostolic See
- ↑ Padre Geiger, Angelo Mary. Pope Benedict XVI’s Legacy: Faith and Future,, April 23, 2013, catholicworldreport.com