Pumunta sa nilalaman

Legato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pagtatanghal at talihalat ng musika, ang legato ([leɡaːto], Italyano para sa "magkasamang nakatali"; Pranses lié; Aleman gebunden) ay nagpapahiwatig na itutugtog o kakantahin ang mga notang musikal nang konektado at walang tigil. Iyon ay, naglilipat ang tagatugtog mula nota patungo sa ibang nota nang walang hinto ng katahimikan. Kinakailangan ang kasiningang legato para sa ligaturang pagtatanghal, ngunit hindi tulad ng ligatura (dahil ipinakahulugan ito para sa ilang mga instrumento), indi ipinagbabawal ng legato ang reartikulasyon.

Ipinapahiwatig ng karaniwang talihalat ang legato sa pamamagitan ng salitang legato, o sa pamamagitan ng isang ligatura (isang linyang hubog) sa ilalim ng mga nota na bumubuo ng isang pangkat ng legato. Ang legato, tulad ng estakato ay isang uri ng artikulasyon.

Mayroong intermediyang artikulasyon na tinatawag na metso estakato o di-legato (tinutukoy minsan bilang portato).

Klasikong instrumentong bagting

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa musika para sa mga Klasikong instrumento na may bagting, artikulasyon ang legato na madalas na tumutukoy sa mga nota na tinutugtog nang buong hilis, at tinutugtog nang may kasamang napakaikling katahimikan, kadalasang bahagyang napapansin, sa mga nota. Nakakamit nito ng tagatugtog sa pamamagitan ng mga kontroladong paggalaw ng kamay panghilis, madalas na itinatago o pinapahusay ng vibrato. Maaari ring maiugnay ng ganitong legatong estilo ng pagtugtog bilang portamento.

Sa pagtutugtog ng gitara (bukod sa klasikong gitara) ginagamit ang legato nang salitan bilang tatak para sa artikulasyong musikal at sa isang partikular na paggamit ng pamaraanang pagtutugtog ng mga praseng musikal gamit ang kaliwang kamay upang itugtog ang mga nota—gamit ng mga pamamaraan tulad ng glissando, string bending, hammer-on at pull-off sa halip ng pagpitas upang tumunog ang mga nota. Humahantong na mas malinaw ang paglipat-lipat ng nota kapag nagtatakda ang isang daliri mismo ng tumatanginting na bagting at tono kaysa kapag ginagamit ang isang kamay upang itakda ang tono habang ang isa pang kamay ang pumipitas sa bagting. Upang magbigay ng legatong artikulasyon sa gitarang de-kuryente, karaniwang kailangan ng pamamaraang Legato ang pagtutugtog ng mga nota na malalapit at nasa parehong bagting, kasunod ng unang nota ang iba na tinutugtog nang may mga hammer-on at pull-off.

Pinahusay ng ilang mga gitaristang birtuoso (kapansin-pansing sina Allan Holdsworth, Shawn Lane at Brett Garsed) ang kanilang mga pamamaraang legato sa punto na maaari silang magtanghal ng mga napakakumplikadong sipi na kinasasangkutan ng anumang permutasyon ng mga nota sa isang bagting sa mga matitinding tempo, at lalo na sa kaso ni Holdsworth, kadalasang iwasan ang lahat ng mga pull-off para sa kung ano, ayon sa pakiramdam ng iilan, ay masamang epekto sa tono ng gitara dahil hinila bahagyang patagilid ang bagting. Karaniwang ginagamit ang pariralang "hammer-ons from nowhere [hammer-on mula sa walang pinanggalingan]"[kailangan ng sanggunian] kapag binabagtas ang mga bagting at umaasa lamang sa lakas ng gumugutay na kamay upang makalikha ng isang nota ngunit sa pinipitas na bagting. Dalubhasa ang mararaming mga birtuosong gitarista sa pamamaraang legato, dahil nagbibigay-daan ito para sa mabilis at "malinis" na pagtatakbo. Tinutukoy din minsan sa salitang kolokyal ang mga maramiha't magkakasamang hammer-on at pull-off bilang "rolls", isang reperensiya sa likidong tunog ng pamamaraang ito. Tinatawag ang mabilis na serye ng mga hammer-on at pull-off sa kalagitnaan ng solong pares ng mga nota na trino.

Karaniwang nauugnay ang legato sa gitara sa pagtutugtog ng mas maraming mga nota sa loob ng isang pintig kaysa sa nakasaad na tiyempo, ibig sabihin, ang paglalaro ng 5 (limahan) o 7 (pituhan) nota laban sa isang sangkapat sa halip ng karaniwang tukol o tatluhan. Nagbibigay ito sa sipi ng di-pangkaraniwang tiyempo at kapag dahan-dahang tinutugtog, ng hindi pangkaraniwang tunog. Gayunpaman, hindi gaanong maririnig ito ng tainga kapag tinutog nang mabilis, tulad ng karaniwang pagtugtog ng legato. Mayroong pagkakaiba ang legato at dalawang-kamay na pagtapik ng daliri, sa ilang mga kaso na ginagawang mas mahirap na pakinggan ang pagkakaiba ng dalawang pamamaraan. Sa pangkalahatan, nagbibigay ang legato ng mas tuluy-tuloy at madulas na tunog sa isang sipi.

Mga sintetisador

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga sintetisador isang uri ng monoponikong operasyon ang legato. Iba sa tipikal na monoponikong paraan kung saan muling nag-uulit ng tunog ang bawat bagong nota sa pamamagitan ng muling pagsimula ng mga liksangkap ng bilot, sa paraang legato hindi umuudyok muli ang mga bilot kung tinutugtog nang "legato" ang bagong nota (na nakapindot pa rin ang dating nota). Nagiging sanhi ito ng pagtutunog lamang nang isang beses ng paunang transionte mula sa yugtong atake at pugnaw sa buong legatong pagkakasunud-sunod ng mga nota. Nananatili ang mga bilot na umaabot sa yugtong pagpatuloy hanggang sa bitawan ang huling nota.

Musikang tinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa klasikong pag-awit, nangangahulugan ang legato bilang isang bagting ng napapanatiling patinig na may napakakaunting pagkaantala mula sa katinig. Ito ay isang pangunahing katangian ng bel canto, isang estilong pang-awit na nakamit sa mga guro ng pag-awit at mang-aawit sa panahon ng ika-18 siglo at sa unang apat na dekada ng ika-19 na siglo. Karaniwang tinutukoy bilang the line [ang linya], kinakailangan pa rin ang mahusay at madulas na legato para sa mga matagumpay na klasikong mang-aawit. Sa Kanluraning Klasikong musikang tinig, karaniwang ginagamit ito ng mga mang-aawit sa anumang parirala nang walang mga malinaw na marka ng artikulasyon. Karaniwan ang pinakalaganap na isyu sa legatong tinig ay ang pagpapanatili ng "linya" sa lahat ng rehistro.

Mga halimbawa ng audio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Wharram, Barbara (2005). Wood, Kathleen (pat.). Elementary Rudiments of Music (ika-Revised (na) edisyon). Mississauga: Frederick Harris Music. ISBN 1-55440-011-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)