Pumunta sa nilalaman

Satchel Paige

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leroy Robert "Satchel" Paige)
Satchel Paige
Kapanganakan7 Hulyo 1906
  • (Mobile County, Alabama, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan8 Hunyo 1982
MamamayanEstados Unidos ng Amerika

Si Leroy Robert "Satchel" Paige (Hulyo 7, 1906Hunyo 8, 1982) ay isang Aprikanong Amerikanong manlalaro ng beysbol na naging isang maalamat na tagapukol ng bola (pitcher), noong kanyang kapanahunan, sa ilang iba't ibang mga Liga ng mga Itim at sa Pangunahing Liga ng Beysbol sa Estados Unidos.

Si Paige ay isang tagapukol ng bolang gumagamit ng kanang kamay. Nagtagal mula kalagitnaan ng mga 1920 hanggang 1965 ang kanyang karera sa propesyunal na paglalaro ng beysbol. Mga ilang mga sangguniang nagsasaad na nagsimula siya larangan noong 1926, at may ilang mga sanggunian naman ding nagsasabing nagsimula ito noong 1927. Sa kanyang paglitaw noong Nobyembre 22, 1965 sa palabas na I've Got A Secret ("Mayroong Akong Isang Lihim"), binanggit ng punong tagapagpasinayang si Steve Allen ang petsang 1926. Lumitaw siya sa Major League All-Star Game noong 1952 at 1953.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mark Ribowsky (1994). Don't Look Back : Satchel Paige in the Shadows of Baseball. New York: Da Capo Press. ISBN 0-306-80963-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Satchel Paige, David Lipman (1993). Maybe I’ll Pitch Forever. Palimbaga ng Pamantasan ng Nebraska. ISBN 0-8032-8732-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • David Pietrusza, Matthew Silverman & Michael Gershman, patnugot (2000). Baseball: The Biographical Encyclopedia. Total/Sports Illustrated.
  • William Price Fox (2005). Satchel Paige's America. Fire Ant Books. ISBN 0817351892.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.