Lev Šestov
Ipinanganak | 13 Pebrero 1866 Kiev, Russian Empire |
---|---|
Namatay | 19 Nobyembre 1938 Paris, France | (edad 72)
Panahon | 19th-century philosophy |
Rehiyon | Western Philosophy |
Eskwela ng pilosopiya | Irrationalism, existentialism |
Mga pangunahing interes | Theology, nihilism |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Si Ieguda Lejb Schwarzmann (Siriliko: Иегуда Лейб Шварцман) (13 Pebrero 1866–19 Nobyembre 1938), mas kilala sa kanyang seudonimong Lev Isaakovič Šestov (Лев Исаакович Шестов) o Léon Chestov, ay isang pilosopong eksistensiyalistang Hudiyong Ruso. Ipinanganak sya sa Kyiv, Ukraine, na dating bahagi ng Imperyong Ruso at tumakas patungong France noong 1921 pagkatapos ng rebolusyong Bol’ševik. Nanirahan sya sa Paris hanggang sa kanyang kamatayan.
Ang Pilosopiya ng Kawalan-ng-Pag-asa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pilosopiya ni Šestov, sa unang tingin, ay hindi nga mismo maituturing na isang pilosopiya: wala itong sistematikong pagkakaisa, koerenteng set ng mga proposisyon, o teorikong pagpapaliwanag ng mga problemang pampilosopiya. Ang karamihan sa mga akda ni Šestov ay fragmentary: pagdating sa anyo (madalas syang gumagamit ng mga talinghaga), sa estilo (na sinasabing “more web-like than linear, and more explosive than argumentative”), at pati na rin sa nilalaman. Tila kanyang sinasalungat ang kanyang sarili sa bawat pahina, at mismong hinahangad ang itong paradoks. Dahil ito sa kanyang paniniwalang ang buhay mismo, sa huling analisis, ay isang malaking paradoks, na hindi mauunawan gamit ng lohika o rasyonal na pagsisiyasat. Naniniwala si Šestov na walang teoríya ang makapagbibigay-lunas sa mga misteryo ng buhay. Ang kanyang pilosopiya ay hindi “problem-solving”, kundi mismong lumilikha ng problema, at sinisikap nitong pagmukhaang enigmatiko sa lahat ng makakaya nito ang buhay. Ang kanyang simulain o point of departure ay hindi isang teoríya o idea kundi isang karanasan—itong karanasan na elokwenteng inilarawan ni James Thomson sa The City of Dreadful Night:
- The sense that every struggle brings defeat
- Because Fate1 holds no prize to crown success;
- That all the oracles are dumb or cheat
- Because they have no secret to express;
- That none can pierce the vast black veil uncertain
- Because there is no light beyond the curtain;
- That all is vanity and nothingness.
1 sinasaling Tadhana sa artikulong ito
Ang itong karanasan ng kawalan-ng-pag-asa ang inilalarawan ni Šestov bilang ang kawalan ng mga Katiyakan, ng kalayaan, at ng kahulugan sa buhay. Ang ugat ng kawalan-ng-pag-asang ito ay ang kanyang madalas na tinatawag na “Pangangailangan”, pati na rin ang “Rason”, “Idealismo”, at “Tadhana”: isang espesifikong pamamaraan ng pag-iisip (but at the same time also a very real aspect of the world) na isinasailalim ang buhay sa mga idea, konseptong abstrakto, at mga heneralisasyon na pumapatay dito dulot ng di-pagpansin ng Tadhana ng pagkawalang-katulad (uniqueness) at pagkabuháy (livingness) ng realidad.
Ang Rason, ayon kay Šestov, ang pagsunod at pagtanggap sa mga Katiyakan na nagsasabi sa tao na ang lahat ng mga bagay-bagay ay eternal at di-nababago at na ang mga ibang bagay ay imposible at hindi magpakailanmang makakamit. Dahil dito, ang pilosopiya ni Šestov ay isang anyo ng “irrasyonalismo”, bagaman mahalagang punahin na hindi tinututulan ni Šestov ang rason, o pangkalahatan ang siyensiya, kundi lamang ang rasyonalismo at syentismo—ang tendensiyang ituring ang rason bilang isang parang omnissyente at omnipotenteng dyos na nasasapat na ito alang-alang sa sarili nito. Isa rin itong anyo ng indibidwalismo: hindi maaaring maredusi ang tao sa mga idea, mga estrukturang panlipunan, o kaisahang mistiko. Ayon dito, likas at di-magbabago na ang tao ay mag-isa sa kanyang pagdurusa at na sya ay hindi matutulungan ng mga iba o ng pilosopiya.
Mga penultimong salita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ngunit, ayon kay Šestov, ang kawalan-ng-pag-asa ay hindi ang huling salita, kundi ang penultimong salita lamang. Hindi maisasalita sa wikang pantao ang huling salita o maisasaklong sa teoríya. Nagsisimula ang kanyang pilosopiya sa kawalan-ng-pag-asa at ang kanyang buong pag-iisip ay di-mapag-asa, ngunit tinuturo ni Šestov na mayroong bagay na nalalampasan ang kawalan-ng-pag-asa—at nalalampasan ang pilosopiya. Ito ang kanyang tinatawag na pananalig (faith).
Ang pananalig ay hindi isang paniniwala o isang katiyakan kundi ibang pamamaraan ng pag-iisip na nabubuo mula sa pinakamalalim na pagkaduda at inseguridad. Ito ang karanasan, ayon kay Fëdor Dostoevskij, na “ang lahat ay posible,” na ang kasalungat ng Pangangailangan ay hindi palad o kaswalidad, kundi posibilidad, na mayroon ngang tunay na kalayaang di-nahahanggan. Hindi pinapagtibayan ni Šestov na makahulugan ang buhay, na may tinatawag na “light beyond the curtain.” Mismong hindi nya rin sinasalungat na “ang lahat ng pagpupunyagi ay nauuwi sa pagkakatalo.” Ngunit pinananatilihan ni Šestov na lahat ng tao ay dapat magpapatuloy sa pagpupunyagi, sa paglalaban sa Tadhana at Pangangailangan, kahit pa man hindi maititiyak ang isang matagumpay na kinalabasan. Ayon sa kanya, sa mismong panahon kung kailan nananatiling tahimik ang mga orakulo, dapat ang isa ay makinig nang mabuti sapagkat sa panahong yon mismo ay may maririnig syang isang bagay na lubos na mahalaga na noong una ay kanyang nakakaligtaang marinig.
Mga pangunahing akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ang mga pinakamahalagang akda ni Šestov, sa kanilang mga saling Inggles, kasama ng kanilang mga taon ng pag-akda:
- The Good in the Teaching of Tolstoy and Nietzsche, 1899
- The Philosophy of Tragedy, Dostoevsky and Nietzsche, 1903
- All Things are Possible, 1905
- Potestas Clavium, 1915
- In Job’s Balances, 1923–29
- Kierkegaard and the Existential Philosophy, 1933–34
- Athens and Jerusalem, 1930–37
Lingks palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Léon Chestov Homepage, lahat ng kanyang mga akda sa Ruso at Inggles
- Léon Chestov, mula sa Léon Chestov Studies Society ng University of Glasgow