Library of Congress Control Number
Ang Library of Congress Control Number (LCCN, literal sa Tagalog: "Bilang Pangkontrol ng Aklatan ng Kongreso") ay isang sistemang pagnunumerong naka-serye na nakakatalogong tala sa Library of Congress (Aklatan ng Kongreso) sa Estados Unidos. Wala itong relasyon sa mga nilalaman ng anumang aklat, at hindi dapat ikalito sa Library of Congress Classification (LCC, literal sa Tagalog: Klasipikasyon ng Aklatan ng Kongreso).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sistemang pagnunumerong LCCN ay ginagamit mula pa noong 1898, kung saan ang acronimo na LCCN ay orihinal na kumakatawan sa Library of Congress Card Number.[1][2] Tinatawag din itong Library of Congress Catalog Card Number (Bilang ng Katalogong Kard ng Aklatan ng Kongreso), bukod sa iba pang mga pangalan. Ang Library of Congress ay naghanda ng mga kard ng bibliograpikong impormasyon para sa kanilang katalogo ng aklatan at binebenta ang kopyang set ng mga kard sa ibang mga aklatan para magamit sa kanilang mga katalogo. Kilala ito bilang pagkakatalogong sentralisado. Binibigyan ang bawat hanay ng mga kard nakaseryeng bilang upang makatulong na makilala ito.
Bagaman elektronikong nagagawa, naiimbak at binabahagi ang karamihan sa mga bibliograpikong impormasyon sa ibang mga aklatan, kailangan pa ring tukuyin ang bawat natatanging tala, at patuloy ang LCCN gumaganap ng tungkuling iyon.
Ginagamit ng mga biblyotekaryo sa buong mundo ang natatanging tagapagkilala o identifier na ito sa proseso ng pagkatalogo sa karamihan ng mga aklat na nailathala sa Estados Unidos. Nakakatulong ito sa kanila na maabot ang tamang datos sa pagkatalogo (kilala bilang isang talaan sa pagkatalogo), na ginagawang magagamit ng Library of Congress at mga ikatlong partido sa Web at sa pamamagitan ng iba pang midya.
Noong Pebrero 2008, nilikha ng Library of Congress ang serbisyo ng LCCN Permalink, na nagbibigay ng matibay na URL para sa lahat ng mga Library of Congress Control Number.[3][4]
Pormat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pinaka-elementaryang anyo nito, kasama sa numero ang taon at nakaseryeng bilang. May dalawang tambilang ang taon para sa 1898 hanggang 2000, at apat na tambilang simula noong 2001. Nakikilala ang tatlong hindi maliwanag na taon (1898, 1899, at 1900) sa laki ng nakaseryeng bilang. Mayroon ding ilang kakaiba sa mga numero na nagsisimula sa "7" dahil sa isang eksperimento na inilapat sa pagitan ng 1969 at 1972 na nagdagdag ng pang-tsek na tambilang.[5]
Dapat may kasamang mga pamalit na sero (o leading zeroes) at may habang anim na tambilang ang mga nakaseryeng bilang.[6] Ang pagpupuno ng pamalit na sero ay isang mas kamakailang karagdagan sa pormat, kaya maraming mga mas lumang gawa ang nagpapakita ng mga hindi gaanong kumpletong kodigo, Opsyonal ang gitling na madalas na nakikitang naghihiwalay sa taon at nakaseryeng bilang. Kamakailan lamang, inutusan ng Library of Congress ang mga tagapaglathala na huwag magsama ng gitling.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Types of Numbers Found in LC Catalog Records". Library of Congress Catalog (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 25, 2021. Nakuha noong 2021-01-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Structure of the LC Control Number". Network Development and MARC Standards Office (sa wikang Ingles). Library of Congress. 16 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 24, 2011. Nakuha noong 18 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Library of Congress Update for 2008 ALA Annual Conference: January-May, 2008". Library of Congress. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-08-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "General Questions About LCCN Permalink" (sa wikang Ingles). Library of Congress. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 19, 2021. Nakuha noong 18 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Structure of the LC Control Number". Network Development and MARC Standards Office (sa wikang Ingles). Library of Congress. 16 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 24, 2011. Nakuha noong 18 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The LCCN Namespace". Network Development and MARC Standards Office (sa wikang Ingles). Library of Congress. 10 Nobyembre 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 30, 2017. Nakuha noong 18 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)