Likas na bilang
Sa matematika, ang likas na bilang (Ingles: natural number) ay nangangahulugang isang elemento sa isang pangkat (set) na {1, 2, 3, ...} (ang mga positibong buumbilang) o isang elemento sa isang pangkat na {0, 1, 2, 3, ...} (ang mga hindi negatibong buumbilang).
May dalawang pangunahing layunin ang likas na bilang: pagbibilang ("mayroong 3 mansanas sa hapag-kainan") at pagsasaayos ("ito ang ika-3 pinakamalaking lungsod sa bansa").
Pinag-aaralan sa teoriya ng bilang ang mga katangian ng mga likas na bilang na may kaugnayan sa dibisibilidad, katulad ng pamamahagi ng mga primong bilang. Pinag-aaralan naman sa kombinatoriya ang mga suliranin sa pagbibilang, katulad ng teoriya ni Ramsey.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.