Liksi
Ang bilis o liksi ay ang abilidad ng katawan na mag-iba ng posisiyon sa tamang paraan. Kinakailangan dito ng pinagsama samang kahusayan sa paggalaw (isolated movement skills) sa pamamagitan ng paggamit ng kombinasyon ng balanse, koordinasyon, bilis, reflexes (di-kusang galaw), lakas, at katatagan. Ito ay ang abilidad ng katawan na mag-iba ng direksyon sa tama at mabisang paraan, at para ito ay makamit, kinakailangan ng kombinasyon ng balance (static at dynamic), bilis, lakas at koordinasyon.
Sa larangan ng palakasan, ang pagiging maliksi ay kadalasang naipaliliwanag sa pamamagitan ng mga palakasan na pang-isahan lamang, dahil sa pagsama-sama ng mga katangian na may iba't ibang gamit (partikular sa lahat ng klase ng iba't ibang palakasan). Ayon kina Sheppard at Young noong taong 2006, ang liksi ay ang mabilis na paggalaw ng buong katawan dahil sa pagiba ng kabilisan o direksyon bilang pagtugon sa estimulo.
Ang pagiging mabilis at maliksi ay isa ring importanteng katangian sa paglalaro, tulad ng mga laro sa kompyuter at pen-and-paper (panulat at papel) o tinatawag din na tabletop games kagaya ng Dungeons & Dragons. Ang bilis ay may epekto sa abilidad ng karakter na umiwas o makaganti sa atake ng kalaban, gumalaw nang mas mabilis, lakbayin ang mga hindi pantay-pantay na kalupaan na madaraanan, o malagpasan ang mga tagong mga aktibidad tulad ng lockpicking o pickpocketing (pandurukot).