Pumunta sa nilalaman

Liliuokalani

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Liliʻuokalani)
Reyna Liliʻuokalani
Reyna ng Kapuluan ng Hawaii (marami pa...)
Paghahari Enero 29, 1891 – Enero 17, 1893
Sinundan Kalakaua
Sumunod Binuwag ang monarkiya
Consort John Owen Dominis
Buong pangalan
Lydia Liliʻu Loloku Walania Wewehi Kamakaʻeha-a-Kapaʻakea
Lydia Liliʻuokalani Paki (hiniram at legal na pangalan)
Titulo at mga estilo
Ang Kamahalang Reyna
Kanyang Kamahalan Ang Kinoronang Prinsesa
Kanyang Kamahalang Prinsesa Liliʻuokalani ng Hawaii
Kabahayang maharlika Bahay ng Kalakaua
Ama Mataas na Punong Caesar Kapa'akea
Ina Mataas na Punong Analea Keohokalole
Kapanganakan 2 Setyembre 1838(1838-09-02)
Honolulu, Oahu, Kaharian ng Hawaii
Kamatayan 11 Nobyembre 1917(1917-11-11) (edad 79)
Honolulu, Oahu, Teritoryo ng Hawaii
Nilibing sa Maharlikang Museleo ng Mauna

Si Liliʻuokalani (Setyembre 2, 1838Nobyembre 11, 1917), na ipinanganak bilang Lydia Liliʻu Loloku Walania Wewehi Kamakaʻeha, ay ang huling monarka at nag-iisang namunong reyna ng Kaharian ng Hawaiʻi. Kilala rin siya bilang Lydia Kamakaʻeha Pākī, kasama ang piniling pangalang maharlika na Liliʻuokalani, at ang pangalan niya ay naging Kaolupoloni K. Dominis sa kalaunan. Tinanggihan niya ang aneksasyon ng Estados Unidos subalit nawalan ng kapangyarihan sa isang pag-aalsa ng mga manananim na sinuportahan ng Estados Unidos, na humantong sa isang bagong pamahalaan.[1][2]

Si Reyna Liliʻuokalani ay isang taong nakapagtamo ng edukasyon at nakapaglakbay nang malawakan. Pinakasalan niya si John Owen Dominis noong Setyembre 16, 1862. Naging gobernador siya ng Oahu at ng Maui. Wala silang naging mga anak. Isa siyang ganap na musikera. Ang kaniyang pinaka nakikilalang kumposisyon ay ang "Aloha ʻOe".[2]

Noong 1891, si Liliʻuokalani ay naging reyna ng Hawaii nang mamatay ang kaniyang kapatid na hari. Noong 1893, ninais niya ang isang bagong saligang batas. Nagsanhi ito ng isang alagata sa ministrong Amerikano sa Hawaii. Nilusob ng mga sundalong Amerikano ang Palasyong ʻIolani at iba pang mga gusali ng pamahalaan. Noong 1894, tinanggal nila mula sa pagkareyna si Reyna Liliʻuokalani. Naglagay ang Estados Unidos ng isang pamahalaang probisyonal. Ito ang naging Republika ng Hawaii.[2]

Nasa panig ng kanilang reyna ang mga tao ng Hawaii. Inalok ni Pangulong Grover Cleveland na ibalik ang trono kapag ipagkakaloob ni Liliʻuokalani ang amnestiya sa lahat ng mga kasangkot sa pangingibabaw sa kaniyang kaharian. Tumanggi siya, ngunit nagbago siya ng kalooban at pumayag. Tinanggihan ng pamahalaang probisyonal ang kaniyang panunumbalik sa trono. Noong Hulyo 4, 1894, nagsimula ang Republika ng Hawaii. Namatay si Liliʻuokalani noong Nobyembre 11, 1917 pagkatapos na makaranas ng isang stroke.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R114.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "National Women's History Museum: Queen Liliʻuokalani". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-09. Nakuha noong 2014-10-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TaoKasaysayanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.