Pumunta sa nilalaman

Kamalig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lodge)
Isang kamalig na ginagamit ng sinaunang mga babaeng Ruso sa paggigiik ng mga butil. Ipininta ni Klavdy Lebedev noong 1894.[1]

Ang kamalig (Ingles: grange, storehouse, barn, granary, warehouse, back home [literal na "likod-bahay"], argosy [literal na "panustos na marami"][2]), na nakikilala rin bilang taklab, bangan, baysa, amatong, o matong ay isang uri ng gusali na panglalawigan o bahay na pangkabukiran (country house) na mayroong nakadikit na mga gusaling pambukid. Sa Ingles, ang grange (bigkas: /granj/) ay isang uri ng sinaunang kamalig na taguan at imbakan ng mga giniik, nilugas, o hinimay na mga butil; na maaari ring isang malaking gusaling pambukid na ginagamit sa pag-iimbak ng mga butil, mga dayami (tuyong damo, o mga balanggot), o para sa pagbabahay ng mga hayop na pambukid. Maaari ring tumukoy ang grange sa isang gusali, na katulad ng kanlungan (shed), o garahe (paradahan), o bangan, na nasa loob ng isang lupaing-ari subalit nakahiwalay sa isang higit na mahalagang gusali, katulad ng isang bahay. Maaari rin itong isang kubo (farmhouse) na mayroon ng mga nabanggit na panlabas na iba pang gusali (mga outbuilding).[3] Ang salitang grange ay nagmula sa Gitnang Ingles (na nagmula sa Anglo-Pranses), na mula sa Latin na Midyebal na granica, na nagmula naman sa Latin na granum (butil, grain). Noong ika-14 na daantaon ang alam na unang paggamit ng salitang grange. Naging kasingkahulugan ng grange ang mga salitang Ingles na estate (asyenda), farmstead (ang bukid at mga gusali nito), farm (sakahan), at ranch (rantso). Sa Estados Unidos, ang grange ay naging isang katawagan para sa isang asosasyon ng mga magsasaka na itinatag noong 1867; tinatangkilik ng samahang Grange ang mga gawaing panlipunan, paglilingkod na pampamayanan, at paglo-lobby na pampulitika (paghahangad na maipluwensiyahan ang isang pulitiko o opisyal na pampubliko hinggil sa isang paksa o isyu. Sa una, ang grange ay isa lamang sa mga lodge (gatehouse [literal na "bahay na pangtarangkahan", o cottage na ang kahulugan ay "kubo" o "bahay-kubo") o maliit na bahay ng isang pambansang asosasyong pangkapatiran ng kalalakihan na orihinal na binubuo ng mga magbubukid o magsasaka, bago naging pangalan ng mismong asosasyon.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Oxford English Dictionary Second Edition on CD-ROM (v. 4.0) © Oxford University Press 2009. Threshold.
  2. Argosy, Merriam-Webster
  3. 3.0 3.1 Grange, Merriam-Webster