Pumunta sa nilalaman

Los Angeles Times

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Los Angeles Times
UriPahayagang pang-araw-araw
Pagkaka-ayosBroadsheet
EditorKevin Merida
Itinatag4 Disyembre 1881; 143 taon na'ng nakalipas (1881-12-04) (bilang Los Angeles Daily Times)
WikaIngles
Himpilan2300 E. Imperial Highway
El Segundo, California 90245
Sirkulasyon142,382 Katamtamang sirkulasyon ng pag-print[1]
105,000 Digital (2018)[2]
ISSN0458-3035
OCLC3638237
Websaytlatimes.com

Ang Los Angeles Times (dinaglat bilang LA Times) ay isang pahayagang pang-araw-araw na nagsimulang maglathala sa Los Angeles noong 1881 at nakabase ngayon sa El Segundo, isang magkatabing arabal.[3] Ito ang may ikalimang pinakamalaking sirkulasyon sa Estados Unidos at ang pinakamalaking Amerikanong pahayagan na hindi nakabase sa East Coast.[4] Nakatutok ang papel sa mga isyu na prominente sa West Coast, tulad ng mga kalakaran sa pandarayuhan at likas na sakuna. Nanalo ito ng higit sa 40 Pulitzer Prize para sa pagbabalita ng mga ito at iba pang mga isyu. Magmula noong 18 Hunyo 2018 (2018 -06-18), si Patrick Soon-Shiong ang may-ari ng papel. Kinokonsidera ito bilang pahayagang nasa talaan (newspaper of record) sa Estados Unidos.[5][6]

Noong ika-19 na siglo, nagkaroon ang papel ng reputasyon sa civic boosterism at pagsalungat sa mga unyon ng mga manggagawa, na humantong sa pagbomba ng punong-tanggapan nito noong 1910. Lumago ang papel noong dekada 1960 sa paghahawak ng tagapaglathala na si Otis Chandler, na nagtaguyod ng mas pambansang pokus. Sa mga nakaraang dekada, kumonti ang mambabasa ng papel, at napaharap ito sa sunud-sunod na mga pagbabago ng pagmamay-ari, pagbabawas ng mga tauhan, at iba pang mga kontrobersya. Noong Enero 2018, bumoto ang mga tauhan ng papel upang mag-unyon at tinapos ang una nilang kontratang pang-unyon noong Oktubre 16, 2019.[7] Lumipat ang papel mula sa makasaysayang punong-tanggapan nito sa kabayanan papunta sa isang pasilidad sa El Segundo, malapit sa Pandaigdigang Paliparan ng Los Angeles noong Hulyo 2018.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Turvill, William (Hunyo 24, 2022). "Top 25 US newspaper circulations: Print sales fall another 12% in 2022". Press Gazette. Nakuha noong 28 Hunyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Total Circ for US Newspapers". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2013. Nakuha noong Oktubre 21, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Los Angeles Times | History, Ownership, & Facts" [Los Angeles Times | Kasaysayan, Pagmaymay-ari, & Katotohanan]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The 10 Most Popular Daily Newspapers In The United States" [Ang 10 Pinakasikat na Pahayagang Pang-araw-araw sa Estados Unidos] (sa wikang Ingles). Agosto 2017. Nakuha noong Oktubre 24, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Corey Frost; Karen Weingarten; Doug Babington; Don LePan; Maureen Okun (30 Mayo 2017). The Broadview Guide to Writing: A Handbook for Students [Ang Gabay Brodview sa Pagsusulat: Isang Muntaklat] (ika-6th (na) edisyon). Broadview Press. pp. 27–. ISBN 978-1-55481-313-1. Nakuha noong 12 Enero 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Caulfield, Mike (8 Enero 2017), "National Newspapers of Record" [Mga Pambansang Pahayagan ng Talaan], Web Literacy for Student Fact-Checkers (sa wikang Ingles), Self-published, nakuha noong 20 Hulyo 2020{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Los Angeles Times reaches historic agreement with its newsroom union" [Los Angeles Times, nagkaroon ng makasaysayang kasunduan sa unyon ng silid-balitaan nito]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 2019-10-17. Nakuha noong 2019-11-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)