Luis Rodríguez-Varela
Si Luis Manuel Valentín Rodríguez-Varela y Sancena (13 Pebrero 1768–1826),[1] kilala rin bilang El Conde Filipino (lit., "Ang Filipinong Konde" sa Espanyol ),[2] ay isang proto-nasyonalistang Pilipino na namuhay sa kapanahunan ng kolonyal na Espanya.
Isang insular na Kastila at isang ilustrado na nag-aral sa Pransiya, naglathala si Rodríguez-Varela ng isang serye ng mga aklat na nagtataguyod ng pagbabago ng lipunan sa Pilipinas ng Kastila, na inspirasyon ng Panahon ng Kaliwanagan at ng Himagsikang Pranses. Ang kanyang pinakamahalagang akda ay ang El parnaso filipino, na inilathala sa Sampaloc, Maynila noong 1814.[3]
Itinaguyod niya ang pagbubukas ng mga lokal na kolehiyo upang ituro ang mga asignatura tulad ng matematika, medisina, at nabigasyon, at gayundin ang mga libreng elementarya para sa mahihirap. Naniniwala rin si Rodríguez-Varela na ang mga dayuhang kapangyarihan ay may labis na impluwensya sa lokal na ekonomiya, at ayon dito ay nagtrabaho siya upang limitahan ang panghihimasok ng mga Tsino sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapatibay sa mga lokal na samahan at kapisanan ng pangangalakal.[4]
Kasama nila ni José Ortega at Rodríguez-Varela, siya ay isa sa ilang mga taong pinalayas mula sa Pililipnas ni Gobernador Juan Antonio Martínez noong Pebrero 18, 1823, nang sila ay inakusahan ng pakikipagsabwatan laban sa lokal na pamahalaan ng Espanya.[5]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pilipinas sa ilalim ng Pamahalaang Espanyol
- Silangang Indiyas ng Espanya
- Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Baptismal certificate of Luis Rodríguez Varela
- ↑ Claudio, L. E. (2017, June 12). On using the term ‘Filipino’. Rappler. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/basagan-trip-leloy-claudio
- ↑ Pedro Ortiz Armengol. Letras Filipinas . Publicado por Ministerio de AA.EE., 1999
- ↑ Putzel, James (2001). Social capital and the imagined community: democracy and nationalism in the Philippines. In Michael Liefer (Ed.), Asian Nationalism. Routledge (UK), p. 173. ISBN 0-415-23284-8.
- ↑ Bourne, Edward Gaylord (1903). The Philippine Islands, 1493-1803. A.H. Clark company, p. 47.