Luis Suárez

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Luis Suárez
Kapanganakan Luis Alberto Suárez
24 Enero 1987
Salto
Pagkamamamayan Urugway
Hanapbuhay futbolista

Si Luis Alberto Suárez Díaz (ipinanganak ng 24 ng Enero ng 1987 sa Salto, Uruguay) ay isang putbolista propesyonal sa Uruguay na kasalukuyang naglalaro sa FC Barcelona at sa Pambansang Koponan ng Uruguay bilang isang striker. Noong Hulyo 2014, lumipat siya mula sa Liverpool hanggang sa Barcelona sa halagang £65 milyon (P3.6 bilyon). Tinagurian si Suárez bilang isa sa pinakamagaling na striker sa buong mundo. Noong Oktubre 2015, naiskor niya ang kanyang ika-300 goal para sa club at sa bansa.