Pumunta sa nilalaman

Sistemang limpatiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lymphatic system)
Guhit-larawan ng sistemang limpatiko.

Ang sistemang limpatiko ay isang masalimuot na sapot ng mga organong limpoid, mga gutling limpa, mga punduhang limpa, mga tisyung limpatiko, mga limpang kapilaryo at mga sisidlan ng limpa na lumilikha at nagdadala ng mga limpa mula sa tisyu patungo sa sistemang sirkulatoryo. Isang mahalagang bahagi ng sistemang imyuno ang sistemang limpatiko.

May tatlong mga magkakaugnay na mga tungkulin ang sistemang limpatiko: (1) pagaalis ng sobrang pluido mula sa mga tisyu ng katawan, (2) pagsipsip ng mga asidong taba at kasunod na pagdadala ng mga taba, bilang chyle, sa sistemang sirkulatoryo, at (3) paglikha ng mga selulang imyuno katulad ng mga limposito (na mga antibody na siya namang gumagawa ng mga selulang plasma) at mga monosito.

Ang sirkulasyong limpatiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi katulad ng sistemang pandugo, ang sistemang limpatiko ay hindi sarado at walang pangunahing pambomba. Mabagal na nagaganap ang galaw ng limpa na may mababang presyon dahil sa peristalsis, mga balbula, at kilos na pagpiga ng mga masel na pambuto. Katulad ng mga bena, naglalakbay ang limpa sa loob ng mga sisidlan sa pamamagitan ng iisang daan lamang, na dahil sa mga pampigil na semilunar. Pangunahing nakabatay ito sa mga galaw ng masel na pambuto upang mapiga ang pluido mula sa kanila, natatangi na yaong mga malapit sa mga ugpungan. Ang maindayog na mga paggalaw ng mga dinding ng mga sisidlang limpatiko ay maaari ring makatulong sa paglilipat ng pluido patungo sa mga pinakamaliit na mga sisidlang limpatiko at kapilaryo. Nakapagpipigil dito ang mga masisikip na damit, na samakatuwid ay nakababawas sa pagaalis at pagpaparami ng mga dumi. Kung mananatili ang mga pluido sa tisyu, mamamaga ang tisyu; tinatawag itong edema. Habang nagpapatuloy ang paikot na pagdaraan sa sistema ng katawan, dinadala ang pluido sa mas nagsisilaking mga sisidlang limpatiko na nagtatapos sa kanang punduhang limpatiko (para sa mga limpang nagmumula sa kanang pangitaas na bahagi ng katawan) at ang panduhang pangtorako (para sa natitirang mga bahagi ng katawan); ang kapwa punduhan (Ingles: duct) ay tumutulo o dumadaloy patungo sa sistemang sirkulatoryo sa may kanan at kaliwang benang subclavian. Nakikipagtulungan ang sistema sa mga selula ng puting dugo na nasa loob ng mga gutling panglimpa upang maiwasang mahawahan ng mga selula ng kanser, fungi, birus o bakterya. Kaya tinatawag din ito bilang pangalawang sistemang sirkulatoryo.

Tungkulin ng sistemang panghakot ng mga matabang asido (fatty acid)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sisidlan ng limpa, ang mga lacteal, ay nasa loob ng mga hanay ng pitak gastrointestinal. Kung ang karamihan sa mga sustansiyang nasisipsip ng maliit na bituka ay ipinapasa sa mga sistema ng benang portal upang makatulo (sa pamamagitan ng benang portal) papasok sa atay, kung saan tinitimpla ang mga ito, ang mga taba (lipid) naman ay ipinapasa sa sistemang limpatiko, na dadalhin sa sirkulasyon ng dugo sa pamamagitan ng punduhang pangtorako. Tinawag na chyle (hindi chyme) ang limpang napuno ang taba na nagmula sa mga limpatiko ng maliit na bituka. Habang lumilibot ang dugo, tumatagos ang pluido patungo sa mga tisyu ng katawan. Mahalaga ang pluidong ito dahil nagdadala ito ng pagkain sa mga selula at nagdadala ng mga dumi pabalik sa daluyan ng dugo. Ang mga sustansiya na pinakawalan sa sistemang sirkulatoryo ay sinasamsam ng atay, matapos na magdaan sa sistema ng sirkulasyon. Isang sistemang walang-balikan ang sistemang pang-limpa, na nagdadala ng pluidong interstisyal pabalik sa dugo.

Sa elephantiasis, nakapagdudulot ang impeksiyon ng mga sisidlang limpatiko ng pagkapal ng balat at paglaki ng mga nakapailalim na mga tisyu, natatangi na ang mga nasa hita at mga kasangkapang pangkasarian. Pangkaraniwang dulot ito ng isang karamdamang parasitikong tinatawag na lymphatic filariasis. Kadalasang naaapektuhan ang mga lambo ng katawan (bagaman maaari ring maapektuhan ang mukha, leeg, at tiyan). Nangyayari ito kung napinsala o abnormal ang pagkakalikha sa sistemang limpatiko. May humigit-kumulang sa mga 170 milyong mga tao ang may ganitong sakit.

Mayroon itong tatlong pase:

  • Unang katayuan: Ang pagpisil sa namamagang kamay o paa ay nagiiwan ng isang hukay na matagal bago makabalik sa dating hugis. Dahil sa mayroong kakunting paninigas (Ingles: fribrosis) lamang, kadalasang nalulunasan pa ito. Nakababawas sa pamamaga ang pagtataas (elebasyon) ng kamay o paa.
  • Pangalawang katayuan: Ang presyon mula sa pisil ay hindi nagiiwan ng hukay. Hindi nakatutulong ang pagtataas ng kamay o paa. Kung hindi gagamutin, mananatiling matigas [[Ingles: fribrotic) ang kamay o paa
  • Pangatlong katayuan: Ang katayuang ito ng manas ay karaniwang tinatawag na elepantiyasis. Karaniwang itong nasa mga hita at paa lamang makaraang mapabayaan at matagal na hindi nagamot ang pamamaga. Bagaman makatutulong ng bahagya ang paggamot, hindi na ito malulunasan.

Paglikha ng mga tisyung limpatiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsisimulang malikha ang mga tisyung limpatiko matapos ang ika-limang linggo ng buhay embriyoniko. Lumilitaw ang mga sisidlang limpatiko mula sa mga sako ng limpa na lumalago mula sa mga lumalaking mga bena, na hinango mula sa mesoderm.

  • Ang mga pinakaunang lumilitaw na mga sako ng limpa ay ang magkatambal na mga sako ng limpang hugular sa may tagpuan ng mga panloob na benang hugular at subklabyan. Mula sa mga sako ng limpang hugular, kumakalat ang mga pleksus ng mga kapilaryong limpatiko patungo sa toraks, pang-itaas na mga lambo, leeg at ulo. Lumalaki ang ilan sa mga pleksus at bubuo sa mga sisidlang limpatiko sa kanilang mga kani-kaniyang mga rehiyon. Nakapagpapanatili ng kahit na isang dugtungan sa kaniyang benang hugular ang bawat sako ng limpang hugular, na ang pang-kaliwa ay lumalaki papasok sa pang-itaas na bahagi ng punduhang pangtorako.
  • Ang mga pinakahuling sako ng limpa, na isang pares ng mga sako ng limpang panlikod, ay nabubuo mula sa mga benang iliac. Lumilikha ang mga sako ng limpang panlikod ng mga pleksus ng kapilaryo at sisidlang limpatiko ng mga dinding ng tiyan, rehiyon ng balakang, at pang-ibabang mga lambo. Sumasanib sa cisterna chyli ang sako ng panlikod na limpa, at mawawala ang mga ugnayan mula sa mga kalapit na mga maliliit na ugat.
  • Maliban sa pangharap na bahagi ng sako kung saan lumilitaw ang cisterna chyli, ang lahat ng mga sako ng limpa ay lulusubin ng mga selulang mesenkaymal at nagiging kaluponan ng mga gutli ng limpa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]