Lögberg
Ang Lögberg, o Batong Batas, ay isang mabatong aploramiyento sa timog-kanlurang Islandiya sa lokasyong pampulong ng Parlamentong Althing ng bansa. Natipon ang orihinal na Althing sa Þingvellir,[1] isang lugar ng mga dramatikong tanawin na madaling mapuntahan mula sa mga populadong lugar ng timog-kanluran.[2]
Hindi alam ang tiyak na lokasyon ng Lögberg, dahil sa pagbabago ng heograpiya ng lambak-awang sa loob ng higit sa 1000 taon.[3] Dalawang posibleng lokasyon ang naipanukala sa Þingvellir, isa sa isang patag na gulod sa tuktok ng dalisdis na pinangalanang Hallurinn (kasalukuyang minarkahan ng isang tagdan-bandila), ang isa pa sa palya ng Almannagjá labag sa isang pader ng bato.[1] Naimungkahi bilang mainam ang isang pook sa bangin ng Hestagjá.[2]
Ang Lögberg ay ang lugar kung saan umupo ang Mambabatas (lögsögumaður) bilang namumunong opisyal ng pagpupulong ng Althing. Ginawa mula sa lugar ang mga talumpati at mga anunsyo.[3] Maaaring ibahagi ng sinumang dumalo ang kanilang argumento mula sa Lögberg. Natipon-tipon at nabuwag-buwag ang mga pulong mula rito.[1]
Naisakatuparan ng Lögberg ang layunin nito mula noong pagbuo ng parliyamento noong 930. Tumigil ang paggamit nito noong 1262 nang nangako ng katapatan ang Islandiya sa Noruwega.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "The Law Rock: Lögberg". Thingvellir.is. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17. Nakuha noong 2012-09-12.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Short, William R. (2010). Icelanders in the Viking Age: The People of the Sagas. Jefferson, North Carolina: McFarland & Company. pp. 23–24.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Short, William R. (2010). Icelanders in the Viking Age: The People of the Sagas. Jefferson, North Carolina: McFarland & Company. pp. 26–27.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)