MAJOR

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search


MAJOR
GenrePalakasan, Drama
Manga
TagalikhaTakuya Mitsuda
TagalathalaShogakukan
MagasinWeekly Shōnen Sunday
Orihinal na Pagpapalabas19942010
Bolyum78
Telebisyong Anime
Major
メジャー (Mejā)
DirektorKen'ichi Kasai
Toshinori Fukushima
StudyoStudio Hibari
IstasyonNHK, NHK-E
Orihinal na Pagpapalabas13 Nobyembre 200425 Setyembre 2010
Kabanata154
Pelikulang Anime
Major: Yūjō no Winning Shot
DirektorTakao Kato
StudyoXebec
Shogakukan-Shueisha Productions
Inilabas noong13 Disyembre 2008
Oras ng pagpapalabas120 minutes
Ang Portada ng Anime at Manga

Ang MAJOR ay isang seryeng manga sa bansang Hapon na inilikha ni Takuya Mitsuda. Inilathala ito sa magasing Shōnen Sunday mula sa taong 1994 hanggang 2010 at mayroon itong kabuuang 78 bolyum na tankōbon. Noong taong 1996, ito ay pinarangalan ng Shogakukan Manga Award para sa shonen.[1]

Nilikha ng NHK at Studio Hibari ang isang seryeng anime na hango mula sa istorya ng seryeng manga na ito. Ito ay may pamagat na Major (メジャー, Mejā), na gumamit ng mga karakter na katakana sa halip na gamitin ang mga karekter na Ingles mula sa manga. Nagkaroon ito ng anim na season mula sa taong 2004 hanggang sa taong 2010. Bukod dito, isang pelikulang anime ang ipinalabas noong 13 Disyembre 2008, at nakasentro ito sa naganap sa kalagitnaan ng una at pangalawang season.

Tatlong Original Video Animation (OVA) rin ang ipinalabas pagkatapos ng orihinal na pag-ere ng seryeng anime. Ang unang OVA ay ipinalabas kasunod ng paglabas ng huling bolyum ng seryeng manga noong Disyembre 2010.[2] Ang pangalawa at pangatlong OVA ay ipinalabs noong 16 Disyembre 2012 at 18 Enero 2012, at ang istorya nito ay tungkol sa World Series.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "小学館漫画賞: 歴代受賞者" (sa Hapones). Shogakukan. Hinango noong 2007-08-19.
  2. "Major's Last Manga Volume to Bundle Special OVA". Anime News Network. 2010-07-07. Hinango noong 2010-07-11.
  3. "Major Gets New Final Original Video Anime". Anime News Network. 2011-11-21. Hinango noong 2012-02-20.