Mabahong hininga
ICD-10 | R19.6 |
---|---|
ICD-9 | 784.99 |
DiseasesDB | 5603 |
MedlinePlus | 003058 |
Ang mabahong hininga (Ingles: bad breath, literal na "masamang hininga"; katawagang medikal: halitosis) ay isang kalagayan o kondisyon ng pagkakaroon ng maamoy na hininga mula sa bibig at dila ng isang tao .
Sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mabahong hininga ay dahil sa mikrobyo o bakteryang nasa ilalim ng dila o sa iba pang mga bahagi ng bibig, katulad ng mga puwang sa gitna ng mga ngipin. Ang mga mikrobyo o bakteryang ito ay lumilikha ng kimikal na may hindi kanais-nais na amoy. Maaari ring magkaroon ng ganitong mga uri ng mikrobyo o bakterya sa maruruming mga pustiso at maruruming mga brace. Nagiging malala ang katayuang ito kapag ang isang taong mayroon nang mabahong hininga ng mga pagkaing katulad ng bawang, sibuyas, karne, at isda, sapagkat ang ganitong mga pagkain ay mayroong mga tinatawag na "matatapang na amoy" o "amoy na malalakas". Nakapagpapalubha rin ng mabahong hininga ang bisyo ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Lunas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga lunas ng pagtanggal ng mabahong hininga ang tamang gawi ng pagsisipilyo, paggamit ng mga pangmumog ng bibig (mga moutwash), pagnguya ng chewing gum (literal na "gomang nangunguya"). Hinggil sa pagnguya ng gum, nakakatulong ito sa pag-alis ng mabahong hininga dahil sa nakapagpapadami ito ng laway na nagsisilbing panglinis ng bibig at pambawas ng mga bakterya.
Pag-iwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa palagiang pagsisipilyo, nakakaiwas din sa pamamaho ng hininga ang palagiang pagdalaw sa dentista, ang paggamit ng dental floss, at iba pang epektibong paglilinis ng bibig, ngipin, dila at iba pang mga bahagi ng bibig. Nakakatulong din sa hindi pagkakaroon ng maamoy na hininga ang hindi paninigarilyo at ang hindi pagkonsumo ng mga pagkaing matatapang ang amoy.[1]