Pumunta sa nilalaman

Good King Wenceslas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mabuting Haring Wenceslao)

Ang "Good King Wenceslas" (Tagalog: Si Mabuting Harìng Wenceslao) ay isang populár na himig pamaskò ukol sa harìng ito at ang kaniyang pagbibigay ng limós sa dukhâ sa Pista ni San Esteban (26 Disyembre). Sa paglakbáy niya kasama, ang katulong niyang page ay muntikan nang sumuko buhat ng matindíng lamig ng panahon, Natuloy niya ang kanilang paglakbay ng tumapak siya sa bawat yapák ni Harìng Wenceslao sa makapál na niyebe. Ang awiting ito ay nakabase sa buhay ni San Wenceslao I (Tseko: Svatý Václav), Duke ng Bohemya (ca. 907–935).

Isinulat ang awit na ito noong 1853 ng Ingles na manunulat ng mga himnong si John Mason Neale, kasama ng kaniyang pamatnugot ng musikáng si Thomas Helmore. Unang lumabas ang awit sa Carols for Christmas-Tide, 1853 ("Mga Awiting Pamasko, 1853")[1][2], at ang mga titik ni Neales ay inilapat sa isang awiting pang Tagsibol mula ika-13 dantaón na "Tempus adest floridum" ("Malapit na ang Panahón ng Pamumulaklak"), na unang inilimbág noong 1582 sa Pinlandiya sa koleksiyon ng awit na Piae Cantiones.

Inglés Saling Filipino (hindì maaaring awitin).

Good King Wenceslas looked out on the feast of Stephen.
When the snow lay 'round about, deep and crisp and even.
Brightly shone the moon that night, though the frost was cruel,
When a poor man came in sight, gathering winter fuel.

Hither, page, and stand by me, if thou knowst it telling
Yonder peasant, who is he, where and what his dwelling?
Sire, he lives a good league hence, underneath the mountain,
right against the forest fence, by Saint Agnes' fountain.

Bring me flesh and bring me wine, bring me pinelogs hither!
Thou and I will see him dine when we bear them thither!
Page and monarch forth they went, forth they went together
Through the rude winds' wild lament, and the bitter weather.

Sire, the night is darker now, and the wind blows stronger.
Fails my heart I know now how, I can go no longer.
Mark my footsteps good, my page; tread thou in them boldly.
Thou shalt find the winter's rage freeze thy blood less coldly.

In his master's steps he trod where the snow lay dinted
Heat was in the very sod which the saint had printed.
Therefore Christian men be sure, wealth or rank possessing,
ye who now will bless the poor, shall yourselves find blessing.

Si Mabuting Harìng Wenceslao noong Pista ni Esteban
noong ang niyebé'y makapal, malutóng at patag.
Maliwanag kuminang ang buwan noong gabing iyon, kahit malupit ang nagyelong hamóg
nang may dumating na mamang dukhâng naghahanap ng panggátong.

Halika, pahe, tumabi sa akin at isambit
iyong pesanténg iyon, sino siya, ano at saan tahanan niya?
Poón, siya'y nakatira may kalayúan, sa may libís
sa may kagubatan, sa may bukál ni Santa Ínes.

Amin na ang karne, at alak, at panggatong na pino!
Siya'y ating papakainin ng madalà natin ito doon!
Pumaroón ang pahe't monárko, pumaroong magkasama
Sa managis na panaghoy ng hangin at sa masamang panahón.

Poón, lumalim ang gabì at lumalakas ang hangin
Ako'y nahuhulugan ng loob, hindi ko na kayang tumuloy.
Tumuring ka sa aking mga yapák, pahe, matapang kang umapak rito,
hindi gaanong maninigas ang iyong dugo sa bangis ng Taglamig.

Sa mga yapák ng amo niya siya'y naglakad kung saan nagmarka
Doon sa mismong bakás na itinatak ng santo.
Kaya mga Kristiyano mayaman man o may antás
sinumang magbibgay sa dukhâ ay makatatagpò ng biyayà.


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.