Pumunta sa nilalaman

Pneumatomachi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Macedonian (sekta))

Ang Pneumatomachi at kilala rin bilang mga Macedonian o Semi-Arian sa Constantinople at Tropici sa Alexandria ay isang sekta ng Kristiyanismo na anti-kredong Nicene at yumabong sa mga bansang katabi ng Hellespont sa huling kalahati ng ikaapat at simula ng ikalimang siglo CE. Kanilang itinanggi ang pagkadiyos ng banal na espirio at kaya ang pangalanang Griyeong Pneumatomachi o 'Mga manlalaban laban sa espirito'. Ang mga sanggunian ng Simbahan ay nagtuturo kay Obispo Macedonius I bilang tagapagtatag nito. Ang mga mismong kasulatan ni Macedonius gayundin ng Pneumatomachi ay nawala at ang pinaniwalaang doktrina mito ay nagmula sa pagsalungat ng mga pinuno ng nananaig na bersiyon ng Kristiyanismo na tumuring sa kanilang mga heretiko. Sa ilalim ni Emperador Julian noong 361-363 CE, na personal na tumakwil sa Kristiyano para sa paganismong Neoplatoniko at naghangad na ibalik ang imperyo Romano sa orihinal na relihiyosong eklektisismo nito, ang Pneumatomachi ay nagkaroon ng sapat na kapangyarihan upang ideklara ang kanilang kalayaan mula sa parehong mga Arian at ortodokso. Isinaad ng mga komentador ng Simbahang ortodokso na ang mga ito ay tumatanggi sa pagkadiyos ng banal na esprito at itinuring ang substansiya ni Hesus bilang ng "parehong substansiya"(homoiousios) ngunit ng hindi "parehong kalikasan" (homoousios) sa Diyos Ama. Sinuportahan ng mga Macedonian ang mga kredong Homoiousian ng Antioch at Seleuci at kinondena ang mga kredong Homoian ng Ariminum at Constantinople. Sila ay tumawag ng mga bagong synod upang magkamit ng suporta sa kanilang mga pananaw at kondenahin ang kanilang mga kalaban.[1] Ang mga Pneumatomachi ay kinondena noong 374 ni Damasus I. Noong 381, ang konseptong Pneumatomachian na ang banal na espirito ay isang nilikha ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa Unang Konseho ng Constantinople na idagdag sa Kredong Nicene ang "At sa Banal na Espirito, ang Panginoon, ang tagabigay ng Buhay, Na nagmumula mula sa Ama, na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati, Na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta". [2] Bilang resulta ng konsehong ito, ang homoousios ang naging tinanggap na depinisyon ng ortodoksiyang Kristiyano. Pagkatapos nito ay sinupil ang sektang ito ni Emperador Theodosius I na isang mananampalataya ng Kristiyanismong Nicene.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Socrates Scholasticus. Church History, book 3, chapter 10.
  2. Michael Pomazansky. Orthodox dogmatic theology, Part I. God in Himself-2. The dogma of the Holy Trinity -The equality of honor and the Divinity of the Holy Spirit.[1]