Constantinople
Constantinopla Κωνσταντινούπολις | |
---|---|
lungsod, administrative territorial entity | |
![]() | |
![]() | |
Mga koordinado: 41°00′45″N 28°58′48″E / 41.0125°N 28.98°EMga koordinado: 41°00′45″N 28°58′48″E / 41.0125°N 28.98°E | |
Bansa | Padron:Country data Silangang Imperyong Romano |
Lokasyon | Silangang Imperyong Romano |
Ipinangalan kay (sa) | Constantino I |
Ang Constantinople (Griyego: Κωνσταντινούπολις, pagsasalin: 'Kōnstantinoúpolis'; Latin: Cōnstantīnopolis) ay ang naging kabisera ng Imperyong Romano (330-395), ng Silangang Imperyo Romano (Bizantino) (395-1204 at 1261-1453), ng sandaling pamunuang Krusadong tinatawag na Imperyong Latino (1204-1261), at ng Imperyong Otomano (1453-1923). Nang taong 1923, ang kabisera ng Turkiya, na siyang bansang pumalit sa Imperyong Otomano, ay inilipat sa Ankara at ang pangalan ng lungsod ay ganap na ginawang Istanbul. Gayunman, Constantinopla pa rin ang ngalang umiiral sa kagamitang Griyego. Ang kinaroroonan ng lungsod ay ang siya ngayong bahaging nasa Europa ng kasalukuyang Istanbul.
Nang taong 324 ang sinaunang lungsod ng Bizancio ay naging bagong kabisera ng Imperyong Romano dulot ni Emperador Constantino na Dakila, kung kanino ito ipinangalan at inialay noong 11 Mayo 330. Mula sa kalagitnaan ng ika-5 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-13 siglo, ang Constantinopla ang siyang pinakamalaki at pinakamayamang lungsod sa kabuuan ng Europa. Nakilala ang lungsod sa mga likhang arkitektura nito tulad ng Hagia Sofia, ang katedral ng Silangang Simbahang Ortodoxo, na siyang nagsilbing pamunuan ng Patriarcado Ecunemico, banal na Palasyong Imperyal kung saan namalagi ang mga emperador, Muog ng Galata, Hipodromo, Ginintuang Pinto (Porta Aurea) sa bakod ng lungsod, at ang magagarang palasyong pangmaharlika na pumapaligid sa mga nakaarkong daan at liwasan. Ang Pamantasan ng Constantinopla ay itinatag noong ikalimang siglo at naglaman ng maraming yamang pansining at panitikan bago ito madambong nang taong 1204 at 1453, kasama ang Aklatang Imperyal nito na naglaman ng mga natira mula sa Aklatan ng Alexandria at nagkaroon ng mahigit 100,000 tomo ng sinaunang sulatin. Mahalaga ang lungsod sa pag-unlad ng Kristiyanismo sa panahon ng Romano at Bizantino bilang tahanan ng Patriarcado Ecunemico ng Constantinopla at patnubay sa pinakabanal na mga relikiya sa Kristiyanidad kagaya ng Koronang Tinik at ng Vera Crux.
Ito ay isa sa tatlong lalawigan ng Turkiya na matatagpuan sa peninsulang Balkan sa Europa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Roma at Turkiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.