Tinapay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tinapay ay isang uri ng steypol na pagkain na gawa sa minasang harina at tubig na karaniwang niluluto sa pamamagitan ng pagbebeyk. Sa buong naitalang kasaysayan, ito'y naging popular sa buong mundo at isa sa mga pinaka matandang pagkaing artipisyal na naging mahalaga magmula pa noong pagsibol ng agrikultura.

Maraming klase ng kombinasyon at proporsyon ang iba't ibang uri ng harina at iba pang mga sangkap, pati na rin ang kakaibang tradisyunal na pagluluto at paraan ng paggawa ng tinapay. Ang resulta nito'y nagkaroon ng iba't ibang anyo, hugis, sukat at pagkayari ng tinapay sa sari-saring mga rehiyon. Ang tinapay ay maaaring paalsahin gamit ang iba't ibang proseso mula sa paggamit ng mga natural na mikrobiyo (halimbawa ay ang pagluluto ng sourdough) hanggang sa high-pressure artificial aeration habang ito'y inihahanda o ibinibeyk. Gayunpaman, ang ibang mga produkto ay hindi pinaalsa, maaaring dahil sa kagustuhan, o di kaya'y dahil sa tradisyunal o relihiyosong kadahilanan. Maraming mga non-cereal na sangkap ang maaaring kasama, mula sa mga prutas, mani hanggang sa iba't ibang mga taba. Ang komersyal na tinapay naman, ay karaniwang naglalaman ng additive, ang ilan sa mga ito ay hindi nutrisyonal, upang mapabuti ang lasa, tekstyur, kulay, shelf life o di kaya'y para mapadali ang pagmamanupaktura.

Depende sa lokal na mga kaugalian o kaginhawaan, ang tinapay ay maaaring ihain sa iba't ibang anyo at sa kahit anong oras ng pagkain. Ito rin ay kinakain bilang meryenda o kaya naman ay ginagamit bilang sangkap sa iba pang mga pagluluto at paghahanda, tulad ng mga pinirito na ibinalot sa crumbs upang hindi magkadikit-dikit o di kaya'y ang pangunahing bahagi ng bread pudding at isa pa ay maaari din bilang palaman na dinisenyo upang punan ng espasyo o panatilihin ang katas na kung hindi ay tutulo lamang. 

Salin ng orihinal na Ingles: https://en.wikipedia.org/wiki/Bread