Pumunta sa nilalaman

Pidias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang estatuwa ni Athena na kinopya mula sa orihinal ni Pidias.
Kahawig na wangis ng estatuwa ni Zeus na sinasabing gawa ni Pidias. Nasa San Pedrosburgo ang wangis na ito.

Si Pidias, Phidias, Phideas,[1] o Pheidias (c. 493 BK - 430 BK) ng Athens sa Mataas na Panahong Klasiko, ay anak ni Charmides na kilala sa kaniyang paglilok ng halos 40 talampakang estatuwa ni Athena (tinatawag na chryselephantine—mga kalatagan ng garing na may panggitnang kahoy o bato para sa kalamnan; buong gintong balabal at mga ornamento) sa Parthenon. Kilala rin siya sa pagkakagawa ng estatuwa ni Zeus na yari sa garing at ginto na nasa Olimpia. Pinagbintangan si Pidias sa pagpupuslit ng ginto, subalit napatunayan niya ang kaniyang kawalang-kasalanan hinggil sa gawaing ito ng pagnanakaw at paglulustay. Subalit nakasuhan siya ng kasalanan sa pananampalataya - ang kawalan ng kabanalan - kaya't napaikulong. Ayon kay Plutarch namatay si Pidias sa bilangguan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Phideas". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 84.
  2. "Pheidias." The Concise Oxford Companion to Classical Literature.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.