Pumunta sa nilalaman

Tore

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Toreng Elizabeth, o mas kilala bilang Big Ben

Ang tore ay isang estrukturang matayog, na mas matayog kaysa malawak, kadalasan nang malawakan. Maaaring iba't-iba ang mga tungkulin nito, ngunit sa kasaysayan, ang mga ito ay pangmilitar[1] at panrelihiyon[1], hindi lamang para sa estetika. Kamakailang ginagamit ang salita upang ipangalan ang iba't-ibang mga estrukturang teknolohikal, tulad ng mga gusaling pang-opisina o pang-residensyal na matayog.

Naiiba ang mga tore sa mga gusali dahil tinatayo ang mga ito hindi upang matitirhan ngunit upang magsilbi ng iba pang mga tungkulin gamit ang taas ng tore. Halimbawa, ang tayog ng isang clock tower ay nagpapabuti sa pagiging kita ng orasan, at ang taas ng isang tore sa isang pinatibay na gusali tulad ng isang kastilyo ay nagpapabuti sa pagiging kita ng kapaligiran para sa mga layuning pandepensa. Maaari ring itayo ang mga tore para sa pagtatanaw, paglilibang, at telekomunikasyon. Maaaring nakakatayo nang sarili ang isang tore o itukod ng mga katabing gusali, o maaaring kasama ito sa isa pang mas malaking estruktura o gusali.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1  Chisholm, Hugh, pat. (1911). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles) (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)