Pumunta sa nilalaman

Macintosh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paikot sa kanan mula sa itaas: MacBook Air (2015), iMac G5 20" (2004), Macintosh II (1987), Power Mac G4 Cube (2000), iBook G3 Blueberry (1999) at ang orihinal na Macintosh 128K (1984)

Ang Macintosh (pangunahing tinatawag na Mac simula pa noong 1998)[1] ay isang pamilya ng mga personal na kompyuter na dinisenyo, ginawa, at binebenta ng Apple Inc. simula pa noong Enero 1984.

Ang orihinal na Macintosh ay ang unang matagumpay na personal na kompyuter na binenta ng maramihan na may tinatampok na graphical user interface, built-in screen, at mouse.[2] Binenta ng Apple ang Macintosh kasama ang tanyag na pamilya ng Apple II na mga kompyuter sa halos sampung taon hanggang hindi na nila ginagawa ang Apple II noong 1993.

Napakamahal ng mga naunang modelo ng Macintosh,[3] na ginagambala ang makipagkumpitensiya sa isang merkado na dominado ng mas murang Commodore 64, at gayon din sa IBM Personal Computer at mga clone nito.[4] Bagaman mura sila sa Xerox Alto at ibang mga kompyuter na may mga graphical user interface bago lumabas ang Mac. Matagumpay ang mga sistema ng Macintosh sa edukasyon at paglalathala sa desktop, na ginagawa ang Apple na ikalawang pinakamalaking tagagawa ng personal na kompyuter o PC para sa sumunod na dekada. Noong unang bahagi ng dekada 1990, ipinakilala ng Apple ang Macintosh LC II at Color Classic na nakikumpitensiya sa presyo sa mga makina ng Wintel noong mga panahon na iyon. Bagaman, ang introduksyon ng Windows 3.1 at Pentium processor ng Intel na tinalo ang Motorola 68040 sa karamihan ng mga benchmark, ay unti-unting kinuha ang merkado mula sa Apple, at sa huling bahagi ng 1994, napunta ang Apple sa ikatlong puwesto dahil ang Compaq ay naging pinakamataas na tagagawa ng PC. Kahit na ang paglipat sa superyor na linyang Power Macintosh na nakabatay sa Power PC noong kalagitnaan ng dekada 1990, ang pagbasak ng presyo ng mga bahagi ng PC, hindi magandang pamamahala sa imbentaryo ng Macintosh Performa, at ang paglabas ng Windows 95 ay nagdulot sa ilang pagbaba ng mga gumagamit ng Macintosh.

Nang bumalik si Steve Jobs sa Apple, pinamunuan niya ito upang pagsamahin ang kumplikadong linya ng halos dalawampung mga modelo ng Macintosh noong kalagitnaan ng 1997 (kabilang ang mga modelo na ginawa para partikular na mga rehiyon) na bumaba sa apat noong kalagitnaan ng 1999: ang Power Macintosh G3, iMac, 14.1" PowerBook G3, at 12" iBook. Lahat ng apat na produkto ay matagumpay sa parehong kritikal ang komersyal dahil sa kanilang mataas na pasasagawa o performance, presyong nakipagkumpitensya at disenyong estetika, at bumalik ang Apple sa pagiging isang kompanyang kumikita. Nang panahon na ito, tinapos na ng Apple ang pangalang Macintosh at pinaboran ang "Mac", isang palayaw na karaniwang ginagamit simula pa noong ginagawa ang unang modelo. Simula nang lumipat ang Apple sa mga processor na Intel noong in 2006, naging nakabatay sa Intel ang mga linya ng produkto ng Apple. Kabilang sa kasalukuyang linya ang apat na mga desktop (ang all-in-one na iMac at iMac Pro, at ang desktop na Mac Mini at Mac Pro), at dalawang mga laptop (ang MacBook Air at MacBook Pro). Natapos na ang Xserve na server noong 2011 at mas pinaboran ang Mac Mini at Mac Pro.

Gumawa ang Apple ng isang serye ng mga operating system para sa Macintosh. Walang pangalan ang unang bersyon sa simula ngunit sa kalaunan, nakilala ito bilang ang "Macintosh System Software" noong 1988, "Mac OS" noong 1997 kasama ang paglabas ng Mac OS 7.6, at tinatawag sa gunita bilang "Classic Mac OS". Gumawa ang Apple isang operating system na nakabatay a Unix para sa Macintosh na tinatawag na A/UX mula 1988 hanggang 1995, na malapit na katulad ng kasalukuyang bersyon ng system software ng Macintosh. Hindi nililisensya ng Apple ang macOS para gamitin sa hindi Apple na kompyuter, bagaman, nakalisensya ang System 7 sa iba't ibang mga kompanya sa pamamagitan ng programang clone ng Apple para sa Macintosh mula 1995 hanggang 1997. Isang kompanya lamang, ang UMAX Technologies ang ligal na ilisensya ang mga clone na tumatakbo ng Mac OS 8.[5] Noong 2001, inilabas ng Apple ang Mac OS X, isang makabagong operating system na batay sa Unix na pinalitan ang pangalan sa kalaunan bilang OS X noong 2012, at macOS noong 2016. Noong Oktubre 7, 2019, nilabas ang macOS Catalina.[6] May kakayahan ang mga Mac na nakabase sa Intel na tumakbo ng likas na ikatlong-partido o third party na mga operating system tulad ng Linux, OpenBSD, at Microsoft Windows sa tulong ng Boot Camp o third-party software. Ang mga pamayanang boluntaryo ay pinapasadya ang mga macOS na naka-Intel upang iligal na itakbo sa mga kompyuter na hindi Apple.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Engst, Adam (Enero 10, 2020). "The Few Remaining Uses of the Word "Macintosh"". TidBITS (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 15, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Polsson, Ken (Hulyo 29, 2009). "Chronology of Apple Computer Personal Computers" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 21, 2009. Nakuha noong Agosto 27, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Apple unveils a Macintosh". Spokesman-Review (sa wikang Ingles). (Spokane, Washington). Associated Press. Enero 24, 1984. p. C6.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Reimer, Jeremy (Disyembre 14, 2005). "Total share: 30 years of personal computer market share figures". Ars Technica. Nakuha noong Abril 16, 201guage=Ingles. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. "Umax gains Mac OS 8 license". CNET (sa wikang Ingles). 1997-09-08. Nakuha noong 2018-06-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Apple Releases macOS Catalina With Find My, Screen Time, and No More iTunes". MacRumors (sa wikang Ingles). 2019-10-07. Nakuha noong 2019-10-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)