Pumunta sa nilalaman

Makopa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Macopa)

Syzygium samarangense
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Myrtales
Pamilya: Myrtaceae
Sari: Syzygium
Espesye:
S. samarangense
Pangalang binomial
Syzygium samarangense
(Blume) Merrill & Perry
samalapitan na Makopa

Ang makopa o Malay rose apple tree sa Ingles ay isang uri ng punong nagbubunga ng mga prutas na kahugis ng maliit na kampana na may kulay rosas o mapula ang balat ngunit puti ang loob.[1] Sa Kastila, ang bunga ay manzana de agua o pomarrosa o yambo.

Ang puno ay may taas na 15 metro at may diyametro na mula 25 hanggang 50 sentimetro. Ang prutas ay matamis kung hinog at nagtataglay ng tubig, protina at bitamina A at C. Ginagamit ang ilang parte ng puno sa tradisyunal na medisina.[2]

  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. http://www.worldagroforestry.org/treedb/AFTPDFS/Syzygium_samarangense.PDF
Bungang makopa
Ang loob ng bungang makopa

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.