Pumunta sa nilalaman

Katalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Magkatambalang seksuwal)

Ang mga Katambal sa pagtatalik, kasamahan sa pakikipagtalik, kapareha sa pagtatalik, o mga katalik ay mga tao na lumalahok sa gawaing pampagtatalik ng isa't isa. Ang mga kaparehang pampagtatalik ay maaaring may anumang kasarian o kamulatang pangkasarian. Ang mga katambal na pampagtatalik ay maaaring nasa isang ugnayang may paninindigan, na maaaring pantangi o walang kaugnayan sa iba maliban sa kanila lamang na mga sarili o kaya hindi, o nakikilahok sa gawaing seksuwal na pahapyaw lamang (hindi sinasadya o nagkakataon lamang). Maaari silang may ugnayang matalik (na sa ganitong kaso ay kadalasan silang tinuturing na mga magsing-irog o kaya ay hindi magkakilala (anonymous sa Ingles),[1] katulad ng sa kaso ng pakikipagtalik sa isang tao na hindi kakilala, sa isang tao na minsanan o isang pagkakataon sa loob ng isang gabi ng katagpo at ng kasiping, sa isang patutot. Ang isang tao ay maaaring katambal sa pagtatalik kahit na ang gawaing pampagtatalik ay labag sa batas, ipinagbabawal ng lipunan, o kaya kataksilan (kawalan ng katapan) sa isang iniibig. Ang isang tao ay maaaring mayroong mahigit sa isang katalik sa anumang ibinigay na panahon.

Ang katagang ito ay pangkaraniwang ginagamit para sa mga relasyong seksuwal na konsensuwal o may pahintulot o may pagpayag, hindi para sa mga ipinilit o nagresulta mula sa pananakot o paninindak. Sa ganitong mga pagkakataon, ang isang tao ay pangkaraniwang tinatawag na salarin (ng krimen), at ang tao kung kanino isinagawa o iginiit o ipinataw ang gawaing seksuwal ay tinatawag na isang biktima, o ng isang katawagan na may kahalintulad na kahulugan.

Ang isang katambal sa pagtatalik ay maaari mayroon o walang katumbas o kapantay na kapangyarihan habang nagsasagawa ng isang gawaing seksuwal; ang ganyang mga gampanin o "papel" (na maaaring paminsan-minsang nasusukat ayon sa uri ng pagkatao, subalit maaari ring sukatin ng isang ginustong pagpili o pagpayag ng indibiduwal upang "gampanan" ang isang partikular na "gampanin") ay napapasailalim ng mga kategoryang sari-saring pagpapangingibabaw (dominante) at pagpapasailalim (submisyon).

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pangkalahatan, ang isang katalik ay isang tao kung kanino ang isa pang tao ay pangkasalukuyang nakikilahok sa isang gawaing pampagtatalik, o isang tao kung kanino ang isa pang tao ay regular o madalas na nakikilahok sa ganyang gawain at umaasa at umaasam na gawin ulit ito sa hinaharap o darating pang panahon. Ang dating katalik ay isang tao kung kanino ang isang kapareha ay wala nang kagustuhang lumahok pa sa anupamang karagdagang gawaing seksuwal; habang ang isang prospektibo o inaasahang maging katalik ay isang tao kung kanino ang isang tao ay hindi pa nakikilahok sa anumang gawaing pampagtatalik, subalit may katapatang-loob o kumpiyansa na gawin ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]